top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 14, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 14, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 14, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 14, 2023 (Sabado); Hindi para sa iyo ang matagalang pagpaplano. Mabilis na pagkilos ang susi mo sa tagumpay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano’ng una mong naisip, gawin mo agad. Muli, kung ano ang una mong naisip, ‘yun na ang iyong gawin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-13-27-30-35-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang matakot na magsalita. Ang katakutan mo ay ang kasinungalingan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-21-26-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Magsaya ka, kailangan mo magsaya ngayon dahil napapabilang kayo sa mga mapapalad na nilalang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-20-25-28-34.

CANCER (June 21-July 22) - Lumayo ka sa makukulit at mapagpilit, huli na bago mo mamalayang na sumang-ayon ka na pala sa mga bagay na hindi mo naman talaga gusto. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-24-30-39-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag ka kumuha ng sobra, at ‘wag ka ring kumuha ng hindi mo naman kailangan. Gawin mo! Ito ay isang pagpapakita ng pagmamahal mo sa iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-18-20-23-31-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabilis na pagkilos ang susi mo sa iyong pangarap. Mabagal na pagkilos naman ang pintuan para sa kabiguan. Muli, ang susi mo sa lahat ng iyong pangarap ay ang mabilis na pagkilos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-19-21-27-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahalin mo ang iyong sarili. Ibig sabihin, hindi para sa iyo ang bulag na pagsasakripisyo. Huwag kang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na hindi naman dapat pahalagahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-17-20-24-39-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan. Ngayon ang magandang panahon para mas lumago pa ang iyong negosyo. Huwag mong pahalagahan ang ibang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-21-27-32-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang manghinayang sa mga bagay na mawawala sa iyo. Sa katunayan, kapag may nawawala, mas dumarami ang mga biyayang mapapasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-28-31-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutukan mo ang iyong pangarap, at isunod mo ang medyo mahirap. Sa ganitong paraan, ang mga pinapangarap mo ay tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-28-30-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maghahabol sa iyo ngayon ang mga taong nagkasala sa iyo. Maghintay ka muna ng magandang pagkakataon bago ka muling makipag-ayos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-24-26-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay, dahil sa labas mas maraming magagandang oportunidad ang ibibigay sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-18-20-24-36.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page