top of page
Gary V. - IG.jpg

Horoscope | October 13, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 13, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 13, 2023 (Biyernes): Kailangan ka nila ngayon, lalo na silang mahihina at pangkaraniwan dahil may kakaibang buwenas ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pahinga ang iyong kailangan. ‘Pag nakapagpahinga ka na, magugulat ka dahil sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-22-32-38-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka masyadong mag-alala dahil ngayong araw, lahat ng iyong pangamba ay aalisin ng langit. Kaya mas mabuting tumawa, umindak, umawit at magsaya ka ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-21-33-33-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nahahadlangan ang mga taong gustong sumaya. Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na magsaya, dahil kapag ikaw ay masaya, sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang mag-uunahang dumating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-19-23-35-38-44.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Dahil maaapektuhan ang mga mahal mo sa buhay at silang mga nag-alala sa iyo. Ipakita mo ang lakas ng iyong loob, upang hindi lang ikaw ang umani ng suwerte at magandang kapalaran kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-25-31-34-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maging huwaran ka sa pagpapakita ng malasakit at kabutihan. Kapag ganito ang ginawa mo, lagi kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-19-22-35-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gumawa ka ng paraan para sumaya ang mga mahal mo sa bahay. Kapag ginawa mo ito, madaragdagan ngayon ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-26-31-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ngayon ka inuutusan ng langit na magsuot ng magandang damit upang sunud-sunod na suwerte at magandang kapalaran ang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-18-24-39-40-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Pinagtitibay ka ng mga pagsubok sa buhay. Kaya nakakatiyak ako na marami ang matutulungan mo, kaya naman patuloy kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-21-35-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumali ka sa mga gawaing panlipunan. Marami ang gumagalang at kumikilala sa iyo. Sa pagsali mo sa lipunan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-24-31-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Magtiis ka, dahil habang nagtitiis ka, mas lalo lalago ang iyong kita at ipon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-17-26-40-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bago na ang mundo ngayon, kaya naman gawin mo ang lahat ng iyong nais at sinisigurado ng langit na ito ay matutupad at mangyayari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-25-34-40-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamit ang iyong mayamang imahinasyon puwede kang kumita ng malalaki kahit nasa bahay ka lang. Ito ang kaibahan mo sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-28-35-38-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page