top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 12, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 12, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 12, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 12, 2023 (Huwebes); Aangat nang aangat ang iyong buhay hanggang ang mga karibal mo ay mapunta sa ilalim ng iyong mga paa. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag kang magpatanggay sa masasayang kaganapan. Hindi ka puwedeng matulad sa iba na nakaligtaan ang kanilang mga pangangailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-29-30-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sarili. Magiging abala ka ngayon. Ngunit, ‘wag mong hayaan na mapagod ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-20-26-39-41-43.


GEMINI (May 21-June 20) – Sabayan mo nang pagmamatyag ang iyong mga ginagawa, hindi dahil sa mga kaaway mo kundi para makita mo ang magandang oportunidad na puwede mo pang sunggaban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-23-29-37-44.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo sila maawat na bigyan ka ng masarap na buhay. Ang magagawa mo lang ngayon ay pasalamatan sila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-20-24-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na susuwertehin ka. Kaya anuman ang hilingin mo, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-25-27-31-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aapaw ang iyong palad sa mga biyayang mapapasaiyo dahil darating na muli ang mga araw kung kailan mapapabilang ka sa mga mapapalad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-27-30-33-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sabay-sabay silang magbabalikan sa iyo, at sabay-sabay ka rin nilang maalala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-13-17-22-34-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Didikit sa iyo ang taong ayaw mong makasama. Pero, may malaking pagkakaiba, dahil hindi mo na siya kayang itapon dahil kayo na mismo ang magsasalo sa masayang araw. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-19-20-25-34-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Ang mga simpleng kahilingan mo sa langit ay tiyak na ibibigay sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-24-26-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabubunot ang pangalan mo ng isang angel na inatasan ng langit upang pumili ng karapat-dapat para pagkalooban ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-21-28-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ngayon ang masuwerte mong araw. Hindi ka nasosorpresa dahil madalas mo namang nararanasan ang ganitong mga pangyayari. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-20-25-32-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inuutusan ka ng langit na higit mong pairalin ang iyong isip kaysa sa damdamin. Kapag nagawa mo ‘yan, sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong karalapan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-29-33-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page