top of page

Horoscope | October 11, 2024 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 11, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 11, 2024 (Biyernes): Bibiyayaan ka ng masuwerteng kapalaran. Gayunman, dapat maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga pagpapalang mapapasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ididikit sa iyo ngayon ng langit ang isang masayahing nilalang na kung makikisakay ka sa kanya, dadapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-20-26-28-30.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto nang pumasok ng mga suwerteng gusto kang pasayahin. Kalimutan mo muna ang kabiguan para mapasakamay mo ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-27-32-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Pasayahin mo ang mga taong nasa paligid mo, para pasayahin ka rin ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-26-37-39-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ipanatag mo ang iyong damdamin at kung puwede ay matahimik ka muna. Sa ganitong kalagayan, kusang magbabalikan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-25-29-35-39-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Palaging ikaw ang nagbibigay ng grasya sa ibang tao. Ngayon, langit mismo ang magbibigay sa iyo nito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-24-28-32-37-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bigyang-daan mo ang mga hindi gaanong masayang pangyayari. Kailangang lumipas ang mga ito para manariwa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-21-33-34-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nalalanta kahit ang pinakamagandang bulaklak. Huwag kang malungkot dahil hindi rin magtatagal ay susulpot muli ang mga bulaklak na nagbibigay ng bango sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-22-27-35-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong itulak ang sarili mo sa walang katiyakan. Masarap umasa, pero ang mas masarap mabuhay sa reyalidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-12-21-38-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang iyong sarili, kapag masyado kang nagseryoso sa buhay, hihina lang ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-24-33-37-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makapal at madilim man ang mga ulap, ang pagsikat ng Haring Araw ay hindi naman naaawat. Kumapit ka sa iyong pangarap dahil ang buhay mo’y magliliwanag. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-5-11-14-20-23-29.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isa lang ang hiningi mo, pero dalawa ang napasaiyo. Ang dalawang sumaiyo ay mas darami pa. Ang totoo, hindi naman bingi ang langit dahil ang mga panalangin at kahilingan mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-25-28-30-36.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang hahabulin ng saya kahit pilit kang nabubuhay sa lungkot. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-26-29-34-38-40.

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page