top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 11, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 11, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 11, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 11, 2023 (Miyerkules): Huwag mong sayangin ang iyong oras at panahon kung paano mo tatalunin ang iyong kapwa. Ang tutukan mo ngayon ay ang iyong ambisyon sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang aatras. Ang pag-asenso ay pasulong, gayundin ang pag-unlad. Kahit ano’ng problema ang kaharapin mo, patuloy mo pa rin tahakin ang landas ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-33-35-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naman nawawala ang mga kontrabida sa buhay ng bawat tao. Sa katunayan, sila mismo ang nagpapaganda sa kapalaran ng kanilang kinokontra. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-20-23.


GEMINI (May 21-June 20) - Alagaan mo ang iyong mga napakinabangan. Huwag mong pabayaan na mawala ito sa iyo. Habang ginagawa mo, mag-isip ka kung paano pa mas dadami ang mga ito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong kontrahin ang iyong sarili. Kung ano’ng naisip mo ‘yun na mismo ang iyong gawin. Sa buhay ng tao ang pabagu-bago ng isip ay hindi magandang makaugalian. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-21-27-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat magpaapekto sa maliliit at mga pangkaraniwang nilalang. Hindi sila ang kauri mo kaya walang saysay na makipagtalo sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-14-28-30-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang sitwasyon na hindi mo kayang lagpasan. Sapat na ang iyong talino’t karanasan upang ipagpatuloy ang magandang takbo ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-19-26-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanila, dahil mauubos lang ang iyong oras sa mga bingi at makikitid ang isip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malaki ang naisusulong ng iyong buhay kapag tahimik mong nagagawa ang mga pagsisikap mo. Kapag maraming nakikialam, gugulo lang ang iyong isipan at kalooban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-21-24-32-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Hindi mo kailangang pahirapan ang iyong sarili at hindi mo rin kailangang magmadali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-27-30-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi nabubuhay ang tao para sa kanyang sarili lang, kinakailangan natin sila upang matulungan tayo sa mga problemang gumugulo sa ating isipan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-25-31-34-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang mananalo kung hindi ka hihinto sa pakikipaglaban. Huwag mong kalimutan na ang unang umaayaw ay siyang natatalo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-23-30-38-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawin, susuwertehin ka pa rin. Ngunit, madaragdagan naman ang mga taong maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-20-27-33-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page