Horoscope | October 10, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 10, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 10, 2023 (Martes): Mangunguna ka sa lahat ng bagay. Kung masumpungan mo ang iyong sarili na pumapangalawa, kikilos ang iyong kapalaran at ilalagay ka sa unahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Haluan mo ng saya ang iyong pagsisikap upang umangat ang iyong buhay. ‘Wag mong kalimutan ang pagiging seryoso ay nakakasama sa kalusugan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-14-20-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawa sa pinatigas na lupa o putik ang pinaka-epektibong pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-black.Tips sa lotto-18-20-24-30-35-43
GEMINI (May 21-June 20) - Pinapaalala sa iyo ng iyong kapalaran na ang makikislap na bagay ang iyong pampabuwenas ngayon. Kahit saan ka pumunta dapat mayroon ka nito sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-22-25-36-40.
CANCER (June 21-July 22) - Lagi kang magdala ng bag na pupuwede mong yakapin. Sa ganitong paraan, ang iyong mga pangarap ay unti-unting magkakaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-25-32-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka sa ginto kaya magsuot ka ng ginto. Puwede ka ring magsuot ng ibang alahas pero ginto pa rin ang iyong pampasuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-25-27-34-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi bagay, hindi tao at hindi rin hayop ang iyong pampasuwerte ngayong napapalapit na ang pasko. Kundi, ang pagiging mabilis sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-15-27-30-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan pero ‘pag binalikan mo ang iyong nakaraan matutuklasan mo na ‘pag nakasuot ka ng mataas na takong, ikaw ay sinusuwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-21-25-34-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Bitbitin mo lagi ang iyong tiwala sa sarili dahil ito ang magbibigay sa iyo ng yaman. Hindi na mahalaga ang iba pa, sapat na ang pagkakaroon mo nito upang ika’y umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-25-31-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag laging nakasayad ang mga paa mo sa lupa kahit gaano kataas ang iyong pangarap tiyak na maabot mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-22-25-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto mo bang suwertehin ngayong papalapit na ang Pasko? Siyempre, oo ang iyong isasagot. Magsuot ka ng malaking relo sa braso o kamay dahil ito ang pampasuwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-15-25-28-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ngayong sunud-sunod na holiday, mas magandang mamasyal ka sa magaganda at malalayong lugar. Pero, kailangan mo munang magplano ngayon! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-6-13-20-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang pampasuwerte mo ngayon ay ang pagligo sa dagat. Maglaan ka ng mga araw para rito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-21-23-37-40.




Comments