top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | October 1, 2021 (Biyernes)

BULGAR
Oct 1, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 1, 2021


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 1, 2021 (Biyernes): Masuwerte ka dahil itinakda na palagi kang manguna at kung hindi sinasadyang ikaw ay pumangalawa, kikilos ang iyong kapalaran at ilalagay ka sa unahan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi pa nagpapaawat ang masasaya at magagandang kapalaran na magdaratingan sa iyo kahit na ang tunay na kailangan mo ay ang pagiging seryoso. Ito ang mensahe ng para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-28-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka at mababawasan ka. Kapag nabawasan ka, madaragdagan ka, ito ang batas ng kapalaran na magaganap sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-21-25-28-35-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Dapat palagi kang alerto dahil ang gulong ng iyong kapalaran ay mabilis na gagalaw at baka makalagpas sa iyo ang magagandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-15-23-38-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Nakabukas ang puso mo ngayon at ang pagkakabukas ay tulad ng biglang higit sa isa ang pinahahalagahan. Masaya ang ganito pero sobrang nakakakaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-21-28-30-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Minsan, tama ang mata sa mata at ngipin sa ngipin, pero ‘wag mong gagawin kahit mahirap. Mas magandang ang pag-ibig ang iyong ipalit sa galit. Ito muli ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-20-24-26-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami ang mag-aakala na wala kang ginagawa dahil palagi kang nakatingin sa wala. Pero ang totoo, gumagana ang isip mo sa pabuo ng magandang pormula sa tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-23-25-37-40-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang kailangan ng isang gustong umunlad ang buhay dahil sa iyo makakakuha ng inspirasyon ang iba. Dahil dito, lalo pang gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-27-30-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang langit kaya paganda nang paganda ang kapalaran mo. Kung ikaw naman ang kikilos, matatagalan pa ang pagganda nito dahil likas sa iyo ang matagal na pagpapasya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-26-28-36-38-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Galit na galit ang toro sa loob ng arena kapag lalong nasusugatan. Ngayon, ikaw ay ganundin na habang nasasaktan, nanggigigil ka na makuha ang pangarap mo sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-22-23-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inis-talo, kaya bakit ka maiinis? Hinahon at pagpipigil ang piliin mo dahil ang mahinahon ang nakakabuo at siya ring nakakakita ng magagandang plano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-18-25-26-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Patuloy na sasaya ang marami dahil sa iyo. Hindi naman nila alam na ikaw ay may mga lihim na kalungkutan na iyong iniingat-ingatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-19-21-28-32-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suko sa iyo ang mga lihim mong kaaway dahil habang hinahangad nila na mabigo ka, kitang-kita na mas sumasaya ka habang sila ang nagsisimulang mabigo sa mga plano nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-25-28-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page