Horoscope | October 08, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 08, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 8, 2023 (Linggo): Malalaking suwerte ang darating sa iyo. Dahil dito marami rin ang maiinggit sa iyo, huwag mo silang pansinin. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka mahihirapan ‘yun ang iyong piliin. Huwag kang magtaka sa kakaibang payo na ito, dahil malalaking suwerte ang mapapasaiyo kapag sinunod mo ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-23-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tunog ng porselanang pinggan ang magsisilbi mong pampabuwenas. Huwag mo munang gamitin ang mga plastic na pinggan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-49.
GEMINI (May 21-June 20) – Magsuot ka ng damit na kumikislap. Mahirap paniwalaan pero kapag ginawa mo ito, magkikislapan din sa buhay mo ang iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-22-30-31-38-40.
CANCER (June 21-July 22) – Yakap ang magsisilbi mong pampasuwerte ngayon. Ang simpleng pagyakap ang magbubunga ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-24-27-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng araw ang iyong kailangan, dahil ito ang magsisilbing pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-29-31-34-42-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang orasan ang iyong gamitin. Magugulat ka dahil ang mga suwerteng pinalagpas mo ay muling magbabalik. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-18-24-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng hikaw o kuwintas. Ang mga palawit na pampaganda ay ang magsisilbi mong buwenas ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-15-21-24-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gamitin mo ang iyong biniling damit. Ngayon ang iyong masuwerteng araw upang ito ay gamitin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-21-25-34-47.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaiba ang paraan kung paano ka bubuwenasin ngayon, dahil ang kailangan mo lang gawin ngayon ay tumingin sa malayo. Yes, ganu’n lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-16-24-29-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alisin mo ang mga alikabok sa banga na naka-display sa bahay n’yo. Ito ang magsisilbing panlaban mo sa mga negatibong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-20-35-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka, kahit pa may pinagdadaanan ka. Ang kilos ang magsisilbing hudyat sa mga suwerteng nasa iyong paligid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-25-27-34-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang manatili sa isang lugar, maglakad-lakad ka rin, dahil ito ang magbibigay sa iyo ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-29-35-43.




Comments