top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 07, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 7, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 07, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 7, 2023 (Sabado): Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ang iyong isip ang magtuturo kung paano ka aasenso. Ito rin ay nagsasabing huwag ka munang makinig sa iyong damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-21-27-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Wala kang dapat ipag-alala. Kumilos ka upang maabot mo ang iyong pinapangarap sa buhay. Hindi ka puwedeng makulong sa lungkot at takot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-24-37-40-45.


GEMINI (May 21-June 20) – Kapag nasimulan mo, tapusin mo na. Kahit medyo mabagal, kumilos ka pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-23-33-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Tularan mo ang mga taong malalakas ang loob. Hindi ka puwedeng manataling mahina. Oo, maraming mga bagay ang kinatatakutan ng bawat isa. Pero, kailangan mo pa ring umusad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-19-28-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) – Kung ang iba ay nagmamadaling umasenso, dapat ikaw rin. Sa ganitong paraan, ang mundo ay magiging masaya at mabubuhay na lumalaban sa kahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-10-17-22-29-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Huwag kang magdalawang-isip na ibahagi sa kanila ang iyong ideya. Likas kang mahiyain kaya nag-aalangan ka. Pero, mapagtatagumpayan mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-20-28-30-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kapag may oportunidad, sunggaban mo agad. Dahil ito ang iyong susi upang ika’y magtagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-17-21-27-34-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pangarap ng bawat isa na pagandahin ang ating buhay. Kaya ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-23-27-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tandaan mo na ang pagmamayabang ay hindi maganda. Sa ganyang paraan, liligaya at tuluyan kang uunlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-23-27-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19)Isabuhay mo ang pagiging maingat. Ang sobrang tiwala sa sarili ay nagbubunga ng pagsisisi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-22-27-34-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18)Huwag kang makipaglaro sa panganib, at isabuhay mo ang pagiging seryoso. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-6-19-22-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nagkaproblema ka, magplano ka muli. Hindi masamang magkaroon ng bagong plano, kung ang layunin mo naman ay yumaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-22-27-31-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page