top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 06, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 06, 2023


Sa may kaaraawan ngayong Oktubre 6, 2023 (Biyernes): Sa pagmamahal ka mabubuhay. Kaya kahit mo pa nararanasang makipagrelasyon, hindi puwedeng ‘di mo ito subukan. Ano pang hinihintay mo? Magmahal ka na!


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iparamdam mo ang tamis ng iyong pagmamahal. Kahit na minsan nakakaramdam ka ng pagkabagot. Sa pagmamahalan, gumagaan at umuunlad ang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-21-32-35-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alipin ka ng pag-ibig, aminin mo man ito o hindi - hindi mo siya kayang tiisin lalo na kung may tampuhan kayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-18-27-36-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mainip! Sa katunayan, ang takbo ng panahon ngayon ay nakapabilis. Ang pagkainip ay namamahay lang naman sa mga taong ‘di marunong maghintay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-23-28-34-40.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nagmamahal sa iyo, siya lang ang dapat mong pahalagahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-25-34-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pahalagahan mo ang nagpapahalaga sa iyo. Sa timbangan ng buhay ang dapat na matimbang ay ang nagpapakita ng kanilang pagmamahal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-28-36-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madali lang kilatisin ang mga taong ‘di nagsasabi ng totoo. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-27-29-31-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mag-alala kung may mga bagay na hindi pa napapasaiyo, dahil kusa itong ibibigay sa iyo ng nasa itaas, ngayong buwan ng Oktubre. Isipin mo ang mga bagay na gusto mo, dahil tiyak na ipagkakaloob ito sa iyo ng langit ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-18-24-35-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo ang iyong pagkainip. Ang sama ng loob na iyong kinikimkim ay puwedeng pagmulan ng sakit na hindi kayang gamutin ng kahit na ano’ng gamot. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-25-33-37-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makialam sa gulo nila upang ‘di ka madamay. Pakaisipin mon a lang na magkakaayos at nagkakasundo rin sila sa tamang panahon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-26-28-30-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unahin mo ang iyong sarili. Ngayon ang panahon upang pagtuunan mo ng pansin ang iyong kapakanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-23-27-32-37-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ilang araw na lang, lalaya ka na. Ilang araw na lang, aalisin na ng nasa itaas ang lahat ng iyong mga problema. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-22-31-36-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Totoong lumalala ang kalungkutan. Pero, dahil alam muna ito, mababawasan na ang iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-25-38-40-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page