Horoscope | October 05, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 05, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 5, 2023 (huwebes): yayaman ka sa pagnenegosyo. kaya ano pang hinihintay mo? magnegosyo ka na! ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paramihin mo pa ang iyong negosyo. Ngayon ang panahon para rito. Ito ngayon ang dapat mong pagkaabalahan kaysa sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-18-21-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magiging makulay ang iyong buhay. Lalo na sa mundo ng pakikipagrelasyon. Magkaganunman, mag-ingat ka dahil may iilan na maiinggit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-17-29-31-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon darating ang iyong mga suwerte, kung kaya’t pahalagahan at sinupin mo ito. Iwasan mo ang sobrang pagsasaya, dahil hindi ito nakakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-21-29-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakagulat ang mga pangyayari ngayon, dahil magiging palakuwento ka. Ingatan mo ang iyong sikreto dahil tiyak na ipagkakalat nila ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-12-15-20-25-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang gustong dumikit sa iyo. Gusto ka nilang maging kaibigan. Ngunit sa bandang huli, mas gugustuhin na nilang magkaroon ng malalim na relasyon sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-24-27-33-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lalayo sa iyo ang mga taong may masamang motibo sa iyo lalo na ‘pag sila ay nabibisto na. Kung ano ang nararamdaman mo, sabihin mo agad. Ito ang mabisang sandata mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-33-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, hindi dapat maulit pa ang mga nangyari na sa iyo na kung saan, mahalata ka niya na may pagtinggin ka sa kanya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-27-31-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon mo hahanapin ang lungkot na iyong nararamdaman. Pero, hindi muna ito makikita pa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-25-33-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa at mas marami pang magagandang oportunidad ang lalagay sa iyong harapan. Sunggaban mo na ito agad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-13-29-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa alam mong ikakasama mo. Sa ganitong sitwasyon, hindi sapat na mayroon kang lakas ng loob at tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-Peach. Masuwerteng numero; 01-17-22-27-36-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong salungatin ang ihip ng panahon. Mas magandang makiayon ka sa mga nauuso ngayon. Sa ganitong paraan, hindi ka mapag-iiwanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-20-21-22-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng magandang ideya. Sa ganitong paraan, maiiwanan mo nang ilang milya ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-23-25-28-38-41.




Comments