Horoscope | October 04, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 04, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2023 (Miyerkules): Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Patuloy ka lang magsikap upang maabot mo ang iyong pinapangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming tao ang gustong mabigo ka. Ngunit, ‘wag kang mag-alala dahil hindi rin naman sila magtatagumpay sa kanilang binabalak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging matatag ka, kahit na maraming pagsubok ang dumarating sa iyo. Hindi ka dapat matinag ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-25-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Walang taong gustong malungkot. Kaya hindi ka na dapat magdalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-41.
CANCER (June 21-July 22) – Minsan, mas okey pa ang mag-isa, dahil kailangan rin natin ng katahimikan at payapang kapaligiran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-14-16-27-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pumagitna ka sa dalawang ‘di magkaunawaan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-18-20-25-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo kailangang malaman ang mga katanungan na bumabagabag sa iyo. Ang dapat mong gawin ay paunlarin ang iyong kabuhayan upang ‘di ka maliitin ng ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-25-28-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kokontrahin ka nila, ngunit sa bandang huli, mare-realize rin nila ang maling ginagawa nila laban sa iyo at unti-unti silang hahanga sa taglay mong kabaitan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-17-25-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patuloy kang magsikap upang mapaunlad mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-19-23-32-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa anumang pakikipagdebate, dahil masasayang lang ang oras mo rito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-17-21-29-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inuunawa ang mahihina. Oo, mahirap gawin pero mas maganda na sundin ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-22-25-28-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kusang aalis sa buhay mo ang mga mapagsamantalang tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-20-29-41-43-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasakit ang iyong ulo kapag pinilit mo ang iyong mga gusto. Mas mabuting maghintay ka na lang ng tamang pagkakataon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-21-24-34-40.




Comments