top of page

Horoscope | October 03, 2023 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 3, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 03, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 3, 2023 (Martes): Iaangat ka ng iyong kapalaran sa mataas na ranggo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ayusin mo ang iyong kilos at itugma mo ito sa iyong ambisyon upang maisakatuparan mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-23-28-34-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong paglingkuran ang mga tao. Ang paglingkuran mo ay ang sarili mo, bakit mo uunahin ang kanilang kapakanan kaysa sa iyo? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-27-33-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan, dapat mabilis ka rin mag-isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-33-41-44.


CANCER (June 21-July 22) - Panghawakan mo ang pormula ng tagumpay. Dapat muli mong gamitin ang mga taong nag-uunahang umasenso ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-9-25-29-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tatamarin ka ngayon. Kahit ‘di mo seryosohin ang mga pangyayari ngayon, mapapasakamay mo pa rin ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-13-18-22-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi buo ang iyong loob at naguguluhan ka sa ngayon. Mas magandang magpahinga ka muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-22-36-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nahihirapan ka dahil sa kanila, huminto ka muna. Pero, huwag mong babaguhin ang nauna mong plano. Dahil ito ang tunay na makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-19-23-28-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumulong ka, pero dapat ‘yung eksakto lang. Marami na ang nagkamali dahil sa labis na pagtulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-27-32-40-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat ka nang angat ngayon. Titingalain at mamamangha sila dahil sa suwerte na patuloy na dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-16-23-29-31-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaboran ka ng nakakataas. Ngayon ang magandang pagkakataon para sabihin mo ang iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-25-28-36-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag mong higpitan ang iyong sarili. Ang pagsunod sa makalumang tradisyon ay hadlang sa kaligayahan at pag-unlad ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-27-31-34-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Muling magbabalik ang mga suwerte mo, kahit anong gawin ng mga kontrabida sa buhay mo, hindi nila kayang pigilan ang magagandang kapalaran na nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-20-29-35.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page