Horoscope | October 02, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 02, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 2, 2023 (Lunes): Kontrolin mo ang iyong emosyon dahil ito ang sikreto upang magtagumpay ka, at ito rin ang susi sa pagyaman mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon. Maaari ka nila malamangan at mapaniwala sa mga pangakong walang katotohanan. Bago ka magpasya, magtanong ka muna. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-18-23-39-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka mapapadali, ‘yun ang iyong piliin. Walang taong gustong mahirapan. Muli, piliin mo kung saan ka hindi mahihirapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-17-18-20-23.
GEMINI (May 21-June 20) - Habaan mo ang iyong pang-unawa. Lahat ng tao ay nagkakamali. Bigyan mo pa sila ng pagkakataon upang makabawi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-25-27-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbabalik ang araw na ikaw ay buwenas. Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Kapag ang tao ay masaya, mas lalo pa siyang binibiyayaan ng mas marami pang mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-24-27-35-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang iyong mapalad na araw para sa pagtulong. Nakamasid ang mata ng langit, at tiyak na pagpapalain ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-16-28-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maghintay ng kapalit kapag ikaw ay tumutulong. Sa ganitong paraan, ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng magandang bagay na iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-27-34-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Matuto kang magparaya. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-22-26-35-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matuwa ka kapag naiisahan ka nila. Ayon sa kapalaran mo, mas marami pang mga biyaya ang darating ngayon sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-24-29-36-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nauubos ang mga suwerte, dahil muli itong babalik sa iyo, at sa pagbalik nito mas marami at nag-uumapaw pa ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-21-27-30-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakapusin ka sa sigla dahil mas mananaig sa iyo ang awa. Kumuha ka ng lakas sa mga taong masayahin at may positibo pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-27-29-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na kabaligtaran ng iniisip mo ang mangyayari. Pero, matutuwa ka sa magiging resulta, dahil hindi mo aakalain, mas susuwertehin at liligaya ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-16-20-29-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinadagdagan ang kulang at ang kapos ay pinupunan. Inuutusan ka ngayon ng langit na bigyang init mo ang iyong mga kilos. Sa ganitong paraan, kakaibang suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-28-30-39-44.




Comments