top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | October 01, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 01, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 1, 2023 (Linggo): Mapapabilang ka sa mga masuwerteng nilalang. Mahalin at pahalagahan mo ang mga biyayang napapasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matutukso kang gumastos ng wala sa lugar, ito ay mangyayari dahil masyadong kang naging kampante. Ngunit, ‘wag kang mag-alala dahil mas marami pang mga biyaya at pagpapala ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-27-33-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong gaanong seryosohin ang buhay. Mahalaga rin sa tao ang magsaya kahit paminsan-minsan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-6-12-24-33-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Pumagitna ka. Ibig sabihin, wala kang dapat panigan o kampihan sa dalawang panig na ‘di magkaintindihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-5-17-19-25-38.

CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang saya ang iyong mararamdaman. Ito ang dahilan kung bakit nasasagap mo na ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-11-21-27-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ka magplano. Ang mabubuo mong plano, ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-10-19-22-34-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Didikit sa iyo ang mahaharot at masayahing tao. Ang saya ang magiging asset mo para mabilis kang umasenso at lalo ka pang yumaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-8-14-19-23-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isabuhay mo ang mga natutunan mong magagandang aral sa buhay upang mas lalo ka pang suwertehin ngayong buwan ng Oktubre. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-24-28-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang tamang panahon upang sunggaban mo ang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-27-30-33-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -Huwag kang mag-alala, bibigyan ka muli ng iyong kapalaran ng pagkakataong mamuno at mamahala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-6-9-15-24-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Inaalis ngayon ng langit ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng pangamba at alalahanin. Mauswerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-26-35-41-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag mong hanapin ang mga bagay na nawala sa iyo, dahil ang ipapalit ng langit dito ay tiyak na mas maganda. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-8-17-22-31-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipagpatuloy mo ang pagmamalasakit sa iyong kapwa. Kapag nakita kang nagmamalasakit, at naaasahan, lalong didikit at lalapit sa iyo ang mas maraming suwerte at magandang kapalaran na may kaugnayan sa damdamin at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-19-24-38-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page