Horoscope | November 9, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 9, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 9, 2021 (Martes): Sa bawat laban ng buhay mo, mananalo ka. Kaya bakit ka matatakot na labanan ang mga hamon ng iyong kapalaran? Lumaban ka lang nang lumaban dahil muli, walang duda na mananalo ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo hingin ang iyong pinakamalalaking kahilingan sa langit dahil kahit may pagkaimposible, ito ay tiyak na gagawan ng paraan upang maibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-18-20-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malakas ka at hindi mahina! Kaya lang, akala mo ay mahina ka dahil ayaw mong sugurin ang iyong pinakamalaking ambisyon. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa, sumugod ka at tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-29-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbubukas lang ang pintuan ng grasya kapag may makulit na katok nang katok. Ipakita mong makulit ka at buo ang loob mo, magugulat ka dahil kapag tumapang ka, mapupuno at aapaw ang iyong kaban-yaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-21-25-31-34.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka mabibigo dahil ang kabiguan ay para lang sa mga kontrabida sa buhay mo. Ang hindi gaanong kagandahang balita para sa kanila ay mapapahiya na naman sila. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-15-24-28-34-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaki ang maitutulong mo sa isang nawawalan na ng pag-asa. Kaya ikaw ay kanyang hahangaan at sasaluduhan. Gayundin, nanaisin niya na maging bahagi ka ng kanyang buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-8-11-18-20-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, hindi sapat ang lakas ng loob para yumaman. Dahil ang mas kailangan ay talino. Tulad mo, ikaw at matalino kaya hindi ka mabibigo kapag hinangad mong yumaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mapupunta sa iyo. Gayunman, ang nakagugulat, sa huli, ang mapasasaiyo ay labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-24-28-30-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang ilabas mo at makakaasa ka na ang malalaking suwerte ay mapasasaiyo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Muli, kung ano ka, ‘yun ang ilabas mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-18-22-26-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag na suwerte ang mapasasakamay mo. Ang nakuha mong mga suwerte ay gagawin mong puhunan dahil ang suwerte ay namumunga ng mas marami pang suwerte sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-28-31-32-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kung ano ang kinatatakutan mo, ‘yun ang suwerte mo. Huwag mong kalimutan na ang takot ay nasa isip lang naman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-15-39-40-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang agos ng buhay. Makakaasa ka na dadalhin ka nito sa lugar kung saan mayayakap mo ang iyong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-31-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matatapang at ikaw ay tatapang din. Ang maganda sa iyo, inaamin mo sa sarili mo na mahina ang iyong loob at ang kailangan mo ay matatapang at malalakas ang loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-15-23-30-32.




Comments