Horoscope | November 8, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 8, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2023 (Miyerkules): Huwag mong katakutan ang hamon ng iyong kapalaran dahil malalaking tagumpay ang nakalaan para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag magulo ang sitwasyon, manahimik ka na lang. Dati pa man, ito na ang susi kung paano mo maisasakatuparan ang mga suliraning wala naman talagang solusyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-16-23-34-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga araw na may positibong pananaw. Huwag mong takasan ang mga suliranin. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-24-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Tanggapin mo na lang ang katotohanang bihira lang sa mga tao ang makaunawa. Panatilihin mo ang ganitong pag-uugali dahil ito ang magdadala sa iyo sa pag-unlad at tiyak na pagyaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-9-14-28-31-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kumalma ka lang sa harap ng taong mainit ang ulo. Sa huli, matatauhan at magsisisi rin siya sa aksyon na kanyang ginawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-11-16-22-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtiwala at makinig ka sa taong malalapit sa iyo dahil mas alam niya kung ano ang makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-8-18-28-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Kung may mga binabalak kang gawin, gawin mo na agad dahil tiyak na mapagtatagumpayan mo rin ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-9-17-25-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pakinggan mo ang ibang tao dahil minsan mas tama sila kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-6-9-18-27-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang iyong sarili. Kapag inuna mo ang iba, mauunang gumanda ang kanilang buhay kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-27-36-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang abot-kamay muna ang iyong pangarap. Ito ang tamang gawin upang tayo’y magkaroon ng positibo pananaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-19-28-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung nag-aalinlangan ka, huwag ka na tumuloy. Mas magandang maantala ang gusto mong gawin kaysa makaranas ka ng kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-8-17-26-34-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo silang pilitin. Hindi ngayon ang panahon para mangulit. Huwag mong kakalimutan na may magandang kapalaran na naghihintay para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-16-25-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang manalig sa iyong emosyon dahil mapapahamak ka lang d’yan. Ang paniwalaan at gawin mo ay ang planong matagal mo nang binabalak. Kapag nagawa mo ito sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-22-28-34-43.




Comments