Horoscope | November 8, 2021 (lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 8, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2021 (lunes): malalaking suwerte ang para sa iyo na dala-dala mo. huwag mong unahin ang ibang tao dahil hindi sinasadyang nauuna silang suwertehin kaysa sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailanman, ngayon mo dapat ilabas ang iyong tapang at katatagan. Hindi lang ang mga karibal mo ang susuko sa iyo kundi maging ang mga pagsubok sa harapan mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-obserba ka. Sa ganitong paraan, may mga sikreto ng pagpapayaman na makikita mo na puwede mo ring isabuhay. Kung sila ay umasenso, aasenso ka rin sa kanilang paraan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-15-28-34-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagsasayawan ang mga dahon sa malamig na simoy ng hangin sa panahong nalalapit ang Kapaskuhan. Ibinabalita nito na tatalunin ng masasayang kaganapan ang negatibong nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-33.
CANCER (June 21-July 22) - Nagmamatyag sa iyo ang malaking suwerte na sawa na sa mga mapagkunwaring tao na nasa paligid mo. Ipakita mo kung ano ang tunay na ikaw at mahigpit kang yayakapin ng nasabing suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-28-30-31-34-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang mas suwertehin ka pa kaysa sa nakaraan nang ikaw ay sobrang binuwenas? Siyempre, gusto mo, kaya unahan mo ang Haring Araw sa pagsikat at pagbangon, kumbaga, gumising ka nang mas maaga pa sa nakasanayan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-22-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simple lang naman ang paraan upang magkaroon ng maayos at magandang buhay. Ang una ay una, kaya unahin mo ang dapat unahin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-30-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipinaaalala ng iyong kapalaran na kung saan ka masaya, roon ka. Ito rin ay nagsasabing kung saan magiging masarap ang buhay mo, ‘yun ang piliin mo. Hindi ka dapat magkamali pa ng desisyon ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-28-30-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itaya mo ang iyong kapalaran at tiyak na ikaw ay mananalo. Ang buhay sa mundo ay isang pakikipagsapalaran, kung saan ang hindi tataya ay walang anumang aasahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat na angat ka dahil muli kang iaangat ng kapalaran mo sa mas mataas kalagayan ng buhay. Kaya lang, darami ng iyong mga obligasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-14-23-32-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang laro lang ang buhay sa mundo. Kaya hindi naman mahirap ang suwerte ng masayang kapalaran. Makipaglaro ka at kasabay nito, hindi ka naman dapat maging masyadong seryoso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-21-26-34-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakatok sa pintuan ng iyong puso ang isang hindi mo naman gaanong kakilala at lalakas nang lalakas ang iyong kaba. Papapasukin mo ba? Ang hula ay nagsasabing, papapasukin mo siya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-29-39-40-41-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang malakas ang loob, sa kanya ka dumikit. Ito ang sikreto para mas gumanda pa ang buhay mo. Gawin mo ito ngayon at huwag ka nang magdalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-27-28-37-41-45.




Comments