ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 7, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2024 (Huwebes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan, kaya puwedeng-puwede mo itong magamit sa iyong negosyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manggagaling sa malayo ang iyong mga suwerte. Itakwil mo ang hindi magagandang katangian, nang sa gayun ay tuluy-tuloy kang suwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-23-26-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aakalain mong malaki ang problemang kinakaharap mo ngayon. Pero sa totoo lang, ito ay munting problema lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-27-29-32-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Wala kang dapat na tratuhin na espesyal sa mga bago at kasalukuyan mong kaibigan. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-21-28-31-37.
CANCER (June 21-July 22) - Malakas ang pandama mo ngayon. Kaya naman agad mong matutunugan ang masama nilang binabalak sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-20-25-30-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mo nang palakihin pa ang problema. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-28-35-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang tumalikod sa laban, lalo na kung ang makakaharap mo ay mahina at kapos sa katwiran. Huwag mo nang patulan ang mga taong alam mo namang kaya mong talunin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-24-29-31-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang labis na pagtitiwala sa iyong sarili. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-22-27-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon. Kahit na mag-alinlangan ka sa takbo ng iyong buhay, susuwertehin ka pa rin ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-21-26-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat kang mag-ingat ngayon. Ito ang dapat mong tandaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-23-32-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka agad maniniwala sa magagandang pangako. Mas makakabuti pa nga kung lalayuan mo agad ang mga salita at kuwentong galing sa mga taong masayahin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-27-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang bahay ang nililinis. Kailangan mo rin linisin ang iyong isipan para mabasura ang mga negatibo mong kaisipan na noon mo pa inaalagaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-38-41-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Kaya lang, maaawa ka sa ilang kakilala mo na makikita mong pangit ang kapalaran. Damayan mo sila para ang suwerte at magandang kapalaran ay patuloy na dumagsa sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-24-31-35-42.
Comments