top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | November 7, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 7, 2023


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2023 (Martes): Hindi ka puwede manatili lamang sa lupang iyong sinilangan. Kailangan mo ring lumayo nang sa gayun ay gumanda rin ang iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik sa iyo ang iyong mayamang imahinasyon. Walang suliranin na hindi mo kayang solusyunan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-19-20-23-30-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Habaan mo pa ang pag-iisip, at huwag ka basta-basta kikilos upang hindi ka magkamali at para mas mapabuti mo pa ang iyong proyekto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-28-31-36-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong iwasan ang hadlang sa iyong buhay. Harapin mo ito upang ika’y magtagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-34-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Makibahagi ka sa mga talakayan sa mga isyung napapanahon. Sa ganitong paraan, masasanay ka na makipagkaibigan sa mga taong may mga alam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-20-39-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mamasyal ka para sumaya ka. Hindi na dapat maulit pa na nagpunta ka sa malayong lugar pero ang iyong isip ay nasa bahay at trabaho. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-25-27-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung anu-ano’ng negatibo ang maglalaro sa isip mo ngayon. Mas magandang makipagkuwentuhan sa mga taong alam mong may positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-17-26-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong dayain ang iyong sarili, ang mga taong nagkamali sa iyo ay mayroon talagang attitude. Huwag mo na silang pagtakpan pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-14-24-32-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Idagdag mo sa ideya mo ang mga bagong kaalaman na nakuha mo sa pakikipagkuwentuhan upang makabuo ka ng isang pormula na magagamit mo upang ika’y umasenso. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-19-20-25-33-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga taong walang pangarap sa buhay, at umiwas ka rin sa mga taong may pangarap sa buhay ngunit tamad naman kumilos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-23-35-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ngayon ang iyong oras, at walang ibang dahilan para hindi mo maabot ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-26-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang manatili sa mga taong ‘di napapagod kakasalita dahil maaari ka nilang mapaniwala at sa bandang huli ay magsisi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-20-24-26-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama na humingi ng payo. Magtanong ka rin sa mga taong nauna na sa iyo upang hindi mo na maranasan ang mga hindi magagandang bagay. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-12-25-36-41.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page