top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 6, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 6, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 6, 2021 (Sabado): Pagagandahin ng kapalaran ang iyong buhay kahit malalakas at mabibigat ang pagdating ng mga pagsubok na halos sukuan mo na.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masisingitan ka ng tukso, pero sa isip lang naman. Kapag nahalata mo na ang isip mo ay natutukso na, gumawa ka ng paraan para makaiwas dahil ang tukso ay nakakasira ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-23-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ay araw mo at ang mga araw na darating ay para sa iyo rin. Walang magagawa ang mga lihim at lantad mong kaaway. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-15-23-38-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa panlabas na ganda. Hindi ito masama tulad ng akala ng iba dahil ito mismo ay nagsasabing mas sumisigla ka kapag may inspirasyon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-27-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matukso na gawin nang sabay-sabay ang maraming bagay. Ang kawalan ng pagtutok sa gustong mangyari ay numero-unong dahilan ng masakit na kabiguan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-18-20-21-26.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mauulit ang nangyari na ang iyong kinaawaan ay iyong mamahalin. Ito ay mali at ang mali ay nagbubunga ng marami pang pagkakamali. Ito ay hindi gabay ng kapalaran, ito ay babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-23-28-34-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyung-iyo ang magagandang bagay. Ang mga pangit at hindi mabuti ay mapupunta sa mga kontrabida sa buhay mo. Ito ay hindi mensahe kundi ito ang pasya ng langit kaya tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-28-31-33-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanapin mo ang daan ng pagkakasundo. Kapag magulo ang buhay, walang magandang bagay na magaganap at ito rin ay hahatak sa mga mas pangit na pangyayaring hindi inaasahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-16-24-40-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo nang may ngiti sa labi ang pagkalugi. Ito ay dahil ang kondisyon bago dumating ang napakalaking suwerte para sa iyo, ikaw ay kailangan munang malugi. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-24-39-40-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumanat ka at dapat ay ngayon na. Ang mga karibal mo na nag-aakalang mahina ka na dahilan kaya ikaw ay kanilang babalewalain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-20-21-27-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huhusgahan ka ng langit ngayon at ang magiging resulta ay mas matimbang ang magagandang katangian mo, kaya may matatanggap kang naglalakihang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-22-29-36-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahanapin mo ang saya, pero hindi mo ito makikita, ngunit hindi ka naman malulungkot. Hindi ka masaya at hindi ka rin malungkot, pero ang higit na nakagugulat, ang mga kaganapan ay papabor pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-25-40-49-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Parami nang parami ang mga gustong dumikit sa iyo. Akala nila ay may mapapakinabangan sila sa iyo, pero ang hindi nila alam, sila ang iyong pakikinabangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page