top of page
Search
BULGAR

Horoscope | November 5, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 5, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2024 (Martes): Anumang gusto mong gawin, gawin mo nang mabilis.  Dahil noon pa man, bilis ang sandata mo para magtagumpay. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang babagal-bagal, dahil marami kang kakumpitensiya na gusto kang pabagsakin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-29-34-37-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sosopresahin ka ng iyong kapalaran. Mapapasakamay mo na ngayon ang mga bagay na hindi mo gusto, pero ngayon mo rin mauunawaan na mas maganda pala ito kesa sa mga gusto mong matanggap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-15-25-27-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang mga taong ayaw sa iyo. Dahil ang totoo, hindi sang-ayon ang iyong kapalaran na maging bahagi sila ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-21-23-30-37. 


CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo puwedeng sarilihin ang iyong mga problema. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-20-26-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ipahiram mo ang iyong suwerte sa mga taong nalulugi. Magandang bigyan ng pagkakataon ang mga taong ‘di makausad sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-21-24-28-33.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sagabal sa pagsulong ang sobrang pag-iisip. Kaya kumilos ka ngayon ayon sa mga plano mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-20-23-40-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Naalala mo ba nu’ng minsang problemado ka? Hindi mo iyon pinansin pero biglang gumanda ang takbo ng iyong kapalaran. Ganu’n ang gawin mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-21-28-34-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo dahil pinapasan mo pa ang pasanin ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-16-22-31-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumawa ka ng paraan para makaiwas ka sa mga ‘di magandang motibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-26-28-30-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng buwelo para ‘di ka maisahan. Iwasan mo rin magkuwento sa mga taong tsismosa, dahil baka siraan ka pa nila ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-29-31-34-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makipagbalikan ka, pero mag-ingat ka. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-4-18-20-25-31-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy kang susuwertehin. Hindi lang sa araw na ito kundi sa maraming araw pang darating. Pahalagahan mo ang mga biyayang napapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-22-29-38-40.




0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page