top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 5, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 5, 2023


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2023 (Linggo): Mabilis na pagkilos ang magbibigay sa iyo ng suwerte, kaya ‘wag kang babagal-bagal. Ang pinakamabagsik mong kaaway ngayon ay ang pag-aalinlangan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mo nang baguhin ang iyong plano. Sa ganitong panahon, mas marami kang mapapakinabangan at makukuha. Kaya muli, ‘wag mo nang baguhin ang iyong plano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-18-22-34-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tuluy-tuloy lang ang buhay, kahit marami kang inaalala, huwag kang hihinto sa pagsisikap. Hindi ka puwedeng masingitan ng kawalang-gana magtrabaho. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-19-21-33-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakasalalay sa galing at husay mo ang magagandang kapalaran na nasa paligid mo, pagbutihan mo pa araw-araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-23-31-40-45.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong paghalu-haluin ang mga nangyayari sa buhay mo. Ang negosyo at pagkita ng pera ay hindi dapat nahahaluan ng ibang bagay tulad nang pagkunsinti sa taong alam mong mali ang diskate. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-27-29-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Walang magandang maidudulot ang galit. Ang mga taong may galit sa kanilang puso ay hirap makatulog sa gabi samantalang ang taong kanilang kinaiinisan ay mahimbing ang tulog at walang pakialam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-22-31-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Abutin mo ang mataas, at huwag mong harangin ang mababa. Huwag kang magsayang ng lakas at oras sa mga bagay na madaling makuha. Ang dapat mong pinapangarap ay ang matataas na adhikain. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-25-29-36-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung may mga tutulong naman sa iyo, bakit pahihirapan mo pa ang iyong sarili? Magkunwari kang hirap at may kakulangan sa buhay upang dumagsa ang mga taong gustong tumulong sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-12-19-22-28-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinapasan ang mahina, pasanin mo muna ang taong alam mong mahina, at kapag siya ay malakas na, pabayaan mo na siya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-20-27-33-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Magbilang ka, bilangin mo ang mga suwerteng napapasaiyo. Ito ang dapat mong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-18-24-36-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan ang iyong kinabukasan. Ibig sabihin, puwede mong isabuhay ngayon ang pagdadamot at pag-iingat sa mga bagay na nasa iyo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-26-33-39-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Nakikilala ang tao sa kung paano siya magsalita. Layuan mo ang mga taong hindi marunong magpahalaga sa kanilang kapwa at kung anu-ano’ng paninira ang sinasabi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-8-19-22-31-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Kapag hindi ka nag-alinlangan, malalaking suwerte ang guguhit sa iyo. Kapag nagpatalo ka sa pag-aalinlangan, magsisisi at manghihinayang ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page