top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 5, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 5, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyemre 5, 2021 (Biyernes): Bilis ang sandata ng iyong kapalaran kung kailan puwedeng mapasaiyo ang anumang gustuhin mo. Kaya kahit kailan, hindi ka dapat maging mabagal.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng harot, biro at saya ang kilos at pananalita mo. Ito ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing, kapag masaya ka at may napasaya ka, ikaw ay tiyak na bubuwenasin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-15-23-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magtagal sa pagpapasya dahil magkakatotoo sa iyo ang sinasabing aanhin pa ang damo kung patay na kabayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-23-28-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito, kaya hingin mo na sa langit ang pinakamalaking kahilingan mo. Makakaasa ka na pagbibigyan ka kahit ang mga ito ay may pagkaimposible. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-29-31-35-37.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa mga nakaraang tagumpay mo. Sobra sa sapat ang mga ito para talunin ang nasa harapan mong hindi naman kalakihang hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-17-28-33-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dedmahin mo lang ang mga naninira sa iyo. Inggit na inggit lang naman sila sa iyo pero wala silang magagawa para pabagsakin ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-16-18-22-26.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo ang iyong mga plano. Dati namang mapag-alinlangan ka at dati ring natatapos nang maayos ang mga gusto mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-11-15-20-29-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isa lang ang mabuti para sa iyo sa araw na ito, at ikaw ay mai-in love. Sa tuwing may love interest ka, ang malaking tsansa ng biglang suwerte ay darating at kukubabaw sa iyong karanasan at ito ay magaganap ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-16-24-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituloy mo lang ang ginagawa mong pagpapaunlad sa iyong sarili. Dahil nagpapatuloy ang magagandang araw para sa iyo kung saan malaki pa ang iuunlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-14-24-28-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibabahagi mo sa mga walang-wala ang iyong biyaya. Kapag may napasaya ang tao, ang langit ay sumasaya rin at lalong pinagpapala ang nagpasaya sa kanyang kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-25-39-40-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang iyong pagiging mahiyain dahil mas sinusuwerte ang nakikisalamuha sa kapwa. Bumubukas din ang pintuan ng marami at magagandang oportunidad para sa kanya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-25-31-33-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisilip sa iyo ang malalaking suwerte. Kapag nakita na hindi ka na abala sa pakikipagkaibigan, mabilis silang magsisidapo sa iyo at ikaw ay tiyak na mapupuno ng kagalakan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-24-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sarili mo naman ang iyong pasayahin dahil dumarating sa buhay ang sandali na nalulungkot ang taong palaging pinasasaya ang kanyang kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page