top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | November 4, 2023 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 4, 2023


Sa may kaarawan ngayong November 4, 2O23 (Sabado): Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Patuloy obyembreka lang magsikap upang maabot mo ang iyong mga pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami ang naghahangad na mabigo ka. Hindi sila magtatagumpay dahil sa determinasyon mong makamit ang iyong ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging matatag ka sa harap ng mga pagsubok. Hindi ka dapat ngayon matinag at mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-25-27-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Walang taong nais malungkot, kaya bakit ka magdadalawang-isip na iwasan ang mga taong nagbibigay sa iyo ng kalungkutan? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-41.

CANCER (June 21-July 22) - Minsan kailangan din nating mag-isa upang makaramdam tayo ng katahimikan at payapang kapaligiran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-14-16-27-31-44.

LEO (July 23-Aug. 22) – Pumagitna ka sa dalawang hindi magkaunawaan. Hindi na mahalaga kung sino sa kanila ang tama, ang importante wala kang kinampihan sa kanila. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-18-20-25-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo kailangan masagot ang lahat ng iyong katanungan. Ang kailangan mo ngayon ay mapaunlad ang iyong kabuhayan na walang minamaliit na ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-25-26-34-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasalungatin ka ng malalapit sa iyo dahil aakalain nila na mali ka. Ngunit sa bandang huli, matutuklasan nilang tama ka, kaya lihim silang hahanga sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-17-25-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbubunga rin ang iyong pagsisikap. Mahirap tularan ang ganitong sikreto ng tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-20-23-32-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa anumang pakikipagtalo upang ‘di masayang ang mahahalagang oras mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-17-21-29-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inuunawa ang mahihina. Unawain mo ang mahihina lalo na ang mahinang ulo. Mahirap gawin pero mas maganda pa rin kung iyong susundin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-22-25-28-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kusang aalis sa buhay mo ang mga taong mapagsamantala, ngunit may mga darating din na magtatago sa magagandang bagay. Mag-ingat ka sa kanila. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-41-44-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasakit lang ang ulo mo kapag pinilit mo ang iyong gusto. Mas mabuting maghintay ka na lang ng tamang pagkakataon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-21-24-34-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page