top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 4, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 4, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 4, 2021 (Huwebes): Pinatitibay ka ng iyong kapalaran dahil inihahanda ka nito sa malalaking suwerte na para sa iyo at hindi mo dapat ipamigay sa iba. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit malaki ang pag-aalinlangan mo, ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin. Dahil nasa isip lamang ang mga negatibong pananaw, muli, ituloy mo ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit mo tinatakot ang iyong sarili? Para malabanan ang takot, kumilos ka nang kumilos dahil ang kawalan ng pagkilos ay nagbubunga ng kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-25-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaantala ang pagdating ng mga suwerte kapag binago mo ang iyong mga prayoridad. Alalahanin mo na nang piliin mo kung ano ang iyong mga gusto, pinagana mo ang iyong talino. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-24-39-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Bumabagal ang pag-unlad mo dahil naapektuhan ka ng awa sa mga tao. Maaawa ka dahil tama lang na maawa ka, pero kailangang ituloy mo ang sigla at sigasig sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-24-25-34-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaiba at nakapagtataka kung paano ka bubuwenasin. Aayaw ka sa mga nasa harapan mong magandang kapalaran, pero sa pag-ayaw mong ito, mas malalaki at maraming suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-18-23-39-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang loob mo. Magbabalik ang tapang mo kapag nakakuha ka ng inspirasyon sa mga kakilala mong sa kasalukuyan ay nagpapakasasa sa kanilang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-21-24-30-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka agad maniwala sa matatamis na salita. Mas maganda na sila ang maniwala sa iyo dahil noon pa man, napapaniwala mo ang marami sa iyong mga sinasabi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-18-23-27-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang natanggap mong regalo dahil mapabibilang ito sa mga pampasuwerte mo at kapag may nanghingi sa iyo nito, wala kang dapat gawin kundi ang ipagdamot mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-26-31-33-36-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumunod ka lang sa agos ng buhay. Hindi mahalaga kung alam mo kung saan ka dadalhin nito, pero ang pinakaimportante ay sa pagsunod mo, lalong gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-24-25-36-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo kaya walang basehan ang iniisip mong ikaw ay tila pinagdadamutan ng langit. Mas maganda para sa iyo na magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-29-30-35-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon at hindi sa ibang araw o panahon, kailangang gawin mo na ang mga paunang hakbang para marating mo ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-22-30-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang mga inaakala mong hadlang sa iyong mga plano. Ito ay tulad ng panakot sa mga ibon na sa totoo lang ay hindi naman talaga nakakatakot. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-15-34-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page