top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 30, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 30, 2023


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 30, 2023 (Huwebes): Itinakda na ikaw ay humawak ng mataas na katungkulan. Panatilihin mong nakasayad ang iyong mga paa sa lupa upang makamit mo ang kaligayahan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka at masusunod ka. Ang hindi sumunod sa iyo ay makararanas ng hindi magagandang kapalaran at ang aayon sa iyong mga kagustuhan ay susuwertehin sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-13-22-30-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Naghahanda ang langit ng malalaking suwerte para sa iyo dahil ikaw ay nanatiling matatag, samantalang ang marami ay hindi kontrolado ang kanilang emosyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-23-33-41-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Dumikit ka sa mga nakararanas ng mabilis na pag-unlad upang umunlad din ang iyong buhay. Lumayo ka sa mga naghihintay lang ng suwerte dahil wala kang maaasahan sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-25-38-42-44.


CANCER (June 21-July 22) - Panatilihin mong buhay ang ningas ng iyong pag-asa. Ito ang susi upang magdagsaan sa iyo ang mga buwenas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-28-35-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Madarama mo na angat na angat ka sa karamihan. Ito ay totoo dahil noon pa man, isinilang ka na mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwan. Panatilihin mo ang kababaan ng iyong loob. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-12-25-39-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi magkakatotoo ang kinakatakot mo. Sa katunayan, nagmamadaling sumaiyo ang magagandang kapalaran na talagang noon pa ay nakalaan na sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-1-13-19-25-30-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maging huwaran ka ng mga taong pinanghihinaan ng loob kahit sa totoo lang ay may nerbiyos ka ring nararamdaman. Nakasalalay sa iyo ang pagganda ng buhay ng ilang nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-12-15-18-24-33-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mula sa maliit, mapalalaki mo ang iyong puhunan. Huwag kang tumulad sa iba na ang gusto ay malaki agad dahil ito ang maling pagsisimula ng negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-9-18-21-27-39


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Pagbutihin mo ang pagmamaneho upang umasenso ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-12-15-24-27-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang iyong pagiging mahiyain at iwanan mo ang iyong mga kasabayan. Ang magagandang kapalaran ay nagbubunga ng tapang. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-8-17-22-26-34-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpahiram sa mga alam mong hindi naman marunong tumupad sa pinag-usapan. Kontrolado mo dapat ang iyong kabaitan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-26-31-40-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan madali, ‘yun ang iyong piliin. Kung saan mahirap, huwag mong sundan. Hindi ka isinilang para mahirapan dahil noon pa man ay napabilang ka na sa mga pinagpapala. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page