Horoscope | November 30, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 30, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 30, 2021 (Martes): Habang papataas ang iyong estado sa buhay at umaangat ang iyong kabuhayan, panatilihin mo ang iyong mga paa na nakasayad sa lupa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakabantay sa iyo ang mga mata ng langit. Ang sinumang magtangka na siraan ka ay mabibigo lamang. Kung hindi sila titigil, aani sila ng pangit na kapalaran na magaganap ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-29-31-36-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umuusok sa galit ang iyong kaaway, kaya lang, wala siyang magawa kundi ang mapahiya. Ikaw rin ay umuusok, hindi sa galit kundi dahil lihim na nakakatawa ang mga nangyayari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-25-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo pa ang iyong bilis. Ang anumang kabagalan ay magpapabagal din sa iyong pag-unlad. Muli, dagdagan mo ang iyong bilis. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-22-36-34-38.
CANCER (June 21-July 22) - Hinahangaan ng langit ang iyong kakaibang kabaitan. Ito ang lihim na dahilan kaya hindi nauubos at natatapos ang pagdating sa iyo ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-21-31-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit wala kang gawin, aangat pa rin ang iyong buhay. Pero kung magpapatuloy ka sa pagsisikap, iisa lang ang magiging resulta at ito ay nagsasabing iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-22-27-39-41-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka bibiguin ng isang humahanga sa iyo nang palihim. Nagsabi siya sa kanyang sarili na anuman ang iyong kailangan na magbibigay sa iyo ng saya ay gagawan niya ng paraan upang maibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-19-25-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anuman ang iyong maranasan ngayon, tanggapin mo ito nang maluwag sa loob. Ang mga ito ay kailangang maganap nang sa gayun ay mabigyang-daan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-18-27-31-38-46
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo. Huwag kang pumayag na ikaw ay talunin ng lungkot. Ang kalungkutan, mahirap lang paniwalaan, pero ito ang tunay na dahilan kaya nagkakasakit ang isang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-16-24-25-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyong-iyo ang araw na ito. Ngayon mo hilingin ang malalaki at maliliit mong kahilingan sa langit. Mahirap mang mangyari at may pagkaimposible, ito ay maisasakatuparan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-13-20-25-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itugma mo ang iyong mga kilos sa bagay na gusto mong matapos. Ibig sabihin, huwag mong hayaan na maiba at magbago ang iyong prayoridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-19-21-24-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Huwag mong intindihin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi. Ikaw at wala nang iba pa ang may karapatan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-15-20-24-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa masipag at magiging masipag ka rin. Dumikit ka sa masuwerte at susuwertehin ka rin. Sa ganitong payo, dapat ay alam mo na kung sino ang mga dapat mong layuan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-23-28-30-31-38.




Comments