top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 3, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 3, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2021 (Miyerkules): Mula sa ibaba, iaangat ka ng kapalaran sa matataas na ranggo at ang pinakamasuwerteng balita sa lahat ng panahon ay nagsasabing, lubos na matutupad ang mga pangarap mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habang binabagsak ka ng mga lihim mong kaaway, lalo kang aasenso. Kaya magpasalamat ka nang lihim kapag ayaw ka nilang tigilan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-16-20-24-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mga bagong pangarap ang mamumuo sa iyong isipan. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing bibigyan ka ng langit ng pagkakataong matupad ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-26-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Ididikit sa iyo ng langit ang taong handang ibigay sa iyo ang mas masarap na buhay. Malilito ka at hindi agad makakapagpasya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-17-21-28-33.


CANCER (June 21-July 22) - Hihinto ang mga kamay ng orasan ng iyong kapalaran dahil mamamangha ka sa mga biglaang pagbabago. Muli itong kikilos para sa mas magandang kabanata ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-21-22-29-30-31-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang nasa itaas. Para manatili ka sa iyong magandang kalagayan, huwag mong kalimutan ang payo na dapat ay nakasayad ang mga paa sa lupa ng mga nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-20-25-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maliit ang mundo para sa mga gumawa sa iyo ng pagkakamali. Aabutan sila ng kanilang karma kaya sa huli, tiyak na matitikman nila ang mapait na bunga ng kanilang mga pagkakasala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-17-22-26-34-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit hindi mo maunawaan ang kaganapan sa iyong harapan, sakyan mo lang ang agos ng iyong buhay. Dadalhin ka nito sa lugar kung saan matatagpuan mong yakap-yakap mo ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-6-21-26-38-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong labanan ang bulong ng iyong damdamin na muli mong buksan ang iyong puso na ikaw din ang nagsara dahil wala kang sapat at makatwirang mga dahilan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-14-16-21-22-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, nakakatuwa ang buhay sa mundo tulad ng mararanasan mo na magugustuhan mo ang bagay na ayaw mo at matatakot kang mapunta sa iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-15-20-24-29-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumayo ka. Ito ay utos ng iyong kapalaran na kapag sinunod mo, papasok sa iyong buhay ang mga bago at magagandang kabanata na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-15-16-23-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mo ang iyong dila dahil ito ay malayang nakakapagsalita at kung anu-ano ang mabilis na sinasabi. Kadalasan, masakit sa tainga ang nasasabi ito sa iyong minamahal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-21-25-31-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inihahanda na ng langit ang maraming surpresa para sa iyo na darating sa nalalapit na Kapaskuhan. Ang paunang impormasyon ay nagsasabing, kung ano ang pinakagusto mo, ‘yun ang iyong matatanggap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-13-23-26-34-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page