top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 29, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 29, 2021 (Lunes): Mag-ingat sa mga dikit nang dikit dahil may ilan sa kanila na sasamantalahin ang kabaitan mo. Pero ang kabaitan mo rin ang dahilan kaya mahal ka ng langit.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ngayon ang iyong emosyon. Sasaya ka, pero mababawasan ang iyong kabuhayan. Huwag kang mag-alala dahil ang halaman ay lalong lumalago kapag natalbusan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-28-31-34-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-alala sa mga pinagdaraaan mo ngayon. Pagkatapos suriing mabuti ang iyong kapalaran, ito ay natagpuang papalakas nang papalakas kaya ikaw ay susuwertehin na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-27-36-40-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang malito kapag pinipilit ka sa hindi mo gusto. Isa lang naman ang tiyak na mangyayari. Kahit ano pa ang maging aktibidad mo, papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-23-28-38-42-45.


CANCER (June 21-July 22) - Nasa todong lakas ang likas mong puwersa. Gamitin mo ito para sa ikagaganda ng buhay mo. Masasayang lang ito kung matutuon sa kung anu-anong bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-7-19-25-27-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahalin mo ang iyong sarili. Ito ay banal na utos, pero huwag mong kalimutan na mahalin din ang nagmamahal sa iyo. Ito rin ay obligasyon para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-34-39-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit hindi mo aminin, hinahadlangan mo ang iyong damdamin. Maaaring maulit ang nangyari na nang matauhan ka ay medyo huli na. Hindi maganda sa isang tao ang kinakalaban ang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-19-21-28-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa mga nauna mong plano. Huwag mo itong babaguhin kapag may napansin kang akala mo ay mali. Dahil hindi alam ng mga tao na madalas na siya pala ang mali. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-10-25-28-31-36-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon para muling pasayahin ang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong alam mong may maibabahagi sa iyong kaalaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-22-28-30-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa puro pagsisikap lang. Kailangan din na magsaya, maglibang at tumakas sa mga dinaranas na problema sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-19-28-34-28.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo, madadaya ka pero ang mandaraya sa iyo ay tiyak na kagagalitan ng langit. Ikaw naman ay lalong pagpapalain pa nang todo at sagad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-16-22-28-31-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang taong sumasama ang loob sa iyo. Tulad lang ng dati, hanggang sama lang ng loob ito. Hindi magbabago ang alam niya na ikaw ang kanyang suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-20-34-39-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo na simulan ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan. Aalalayan ka ng langit, hindi ka mabibigo at ang totoo nga, bibigyan ka ng sapat na lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-23-27-28-34.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page