top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | November 28, 2023 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 28, 2023

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 28, 2023 (Martes): Mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwan, susuwertehin ka kahit hindi ka magsikap. Gayunman, mas maganda pa ring magpursigi ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapatangay sa panandaliang saya dahil masasayang lang ang iyong oras. Ituloy mo ang pagtutok sa iyong kabuyahan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-17-24-35-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang paggiliw sa iyo ng taong may kakayahang ibigay ang iyong mga kagustuhan. Huwag kang hihiling ng malalaki upang hindi ka mapasubo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-22-27-32-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Dobleng suwerte ang mapapasaiyo. Kunsabagay, madalas din namang magkasabay-sabay ang dating sa iyo ng magagandang kapalaran tulad na lamang ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-25-28-34-43.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit wala kang gawin, ang ilang mga suwerte ay magsisidapo sa iyo. Sa katunayan, kahit tamarin ka at matulog maghapon, tuluy-tuloy pa ring mapapasaiyo ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-21-29-34-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon, at susuwertehin din ang mga taong ‘di kumokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-27-32-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa mga taong masaya para suwertehin ka. Magbalik-tanaw ka sa nakaraan upang matuklasan mong totoo pala na may suwerteng dala ang mga taong masayahin at palakuwento. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-17-21-24-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyan mo ng oras at panahon ang taong nagtatampo sa iyo. Mas mahalaga siya kaysa sa mga bago at hindi mo pa gaanong kakilala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-29-32-35-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumapit ka sa aral ng buhay na itinuro sa iyo ng iyong mga magulang. Ililigtas ka ng mga ito, hindi lang sa mga panganib kundi sa kahirapan ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-24-33-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Turuan mo ang mga gustong matuto. Para sa mga taong ayaw madagdagan ang kaalaman, huwag mo silang pilitin. Sa huli, kusa silang lalapit at makikiusap sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-26-29-37-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbigay ka upang makatanggap ka ng mas malaki at marami kesa sa ibinigay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-25-28-34-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Labanan mo ang lungkot at malalaman mo na lungkot ang dahilan kaya hindi nagtutuluy-tuloy ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-24-28-33-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka magsisisi sa pagpapasaya mo sa mga kaibigan at kakilala mo. Ito ay mapapalitan ng malalaki at magandang kapalaran na hindi mo inaasahang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-20-22-32-35.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page