top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 28, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 28, 2021 (Linggo): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran sa gagawin mong mga pagsisikap. Mapalad ka dahil hindi lahat ng nagsisikap ay umaasenso ang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit makasingit sa iyo ang lungkot, hindi pa rin magbabago ang hangarin mong umangat pa nang husto. Ito ay nagsasabing nasa tamang landas ka ng buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-29-34-30-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang matakot magtanong. Ang buhay dito sa mundo ay walang katapusang pag-aaral at ang ayaw magtanong ay hindi na uunlad pa kailanman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-18-20-24-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon at sa mahaba pang mga araw dahil sinasabing kahit wala kang gawin sa buhay, ang mga suwerte ay dadapo pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-23-25-31-34.


CANCER (June 21-July 22) - Dagdag na suwerte mula sa langit ang mapasasaiyo dahil sa ipinakita mong kabutihan sa iyong kapwa. Ito ay mangyayari dahil gusto ng nasa itaas na ikaw ay magsilbing halimbawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-22-25-28-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gigisingin ng mga taong nagagalit sa iyo ang natutulog mong galing, kaya ang galit nila ay madaragdagan pa ng inggit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-15-26-28-33-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tingnan at pansinin ang mga negatibong bagay sa iyong kapwa dahil maaari itong malipat sa iyo. Tandaan, hindi lang ang mga karamdamang mula sa hangin ang nakakahawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-16-22-28-31-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pinagmamasdan ka ng langit, kaya gumawa ka ng kabutihan. Pasayahin mo ang iyong kapwa kahit sa maliit na paraan. Kapag nagawa mo ‘yan, dakilang bagay ang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-12-17-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ihaharap sa iyo ng kapalaran ang mga puwede mong pagpilian na magpapaunlad sa iyong buhay. Ang payo ay nagsasabing piliin mo ang alam mo nang gawin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-27-33-39-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mo ang kaya mong gawin sa kabila ng mabigat na tungkuling nakaatang sa iyong balikat. Ang hindi maganda ay ang hindi ka kumikilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-22-25-31-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Harapin mo ang pinakamahigit mong kaaway dahil ikaw ang mananalo. Huwag mong harapin ang hindi mo mahigpit na kaaway dahil baka sa huli ay maawa ka pa sa kanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-8-21-23-34-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gusto mo bang mapatunayan na ang hula ay totoo? Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Pero kahit wala kang gawin, ikaw pa rin ay susuwertehin at mananalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-10-19-25-28-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Biyaya ang dala ng alon ng dagat sa dalampasigan. Napakaraming suwerte ang hatid ng mga pagsubok na iyong lalabanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-25-28-34-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page