top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 27, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 27, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2021 (Sabado): Nang isinilang ka, kakambal mo ang tapang at lakas ng kalooban. May isa ka pang kakambal at ito ay ang pananalo laban sa mga hamon ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito dahil magagawa mo ang anumang gusto mo. Ang mga magtatangkang humadlang sa iyo, langit mismo ang makakasagupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-25-24-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang paglabas ng iyong tapang. Magugulat ang mga nasa paligid mo dahil ang kinatatakutan mo sa nakaraan ay haharapin mo nang mukhaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-21-27-32-33-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang basta-basta susugod. Magplano ka muna nang makatiyak na ang tagumpay ay iyong makukuha. Ang hindi nagpaplano, kadalasan ay napapahiya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-23-32-41-45.

CANCER (June 21-July 22) - Masusurpresa mo ngayon ang iyong mga karibal dahil akala nila ay mananatili kang mahina. Ang hindi nila alam, iiwanan mo sila nang milya-milya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-21-34-39-42-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sobra ang lakas mo ngayon. Sa biglang tingin, ito ay maganda pero ang tunay na maganda para sa iyo ay kung makokontrol mo ang iyong sarili, lalo na ang iyong emosyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-23-37-40-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pagsikapan na bumalik ang umalis. Siya ay muling babalik sa pagkakataong hindi mo na siya iniisip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-24-29-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling mangyayari sa buhay mo na ang ayaw mo ang mapasasaiyo. Ito ay sa dahilang ang langit mismo ay higit na may alam kung ano ang makabubuti sa bawat tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-13-19-26-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakasakal ang mahigpit. Ngunit ikaw naman ay biglang luluwag sa nararanasan mong hirap hanggang sa tuluy-tuloy ka nang lumigaya at umunlad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-25-28-32-38-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaangat at papaangat pa ang iyong buhay. Ang nararanasan mong hirap ngayon ay pansamantala lamang, kumbaga, hindi naman magtatagal at madarama mo rin ang kaginhawahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-13-24-25-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dahil sa iyong kawalang pagkibo, ang mga tao ay mag-aakalang buo ang iyong loob kaya iiwas sila na ikaw ay kanilang makabangga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-22-29-32-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babanggain mo na ba ang iyong kinaiinisan? Oo, dahil kapag napuno na ang lalagyan, ito ay aapaw. Ibig sabihin, ilalabas mo na ang iyong kinikimkim na sama ng loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-24-29-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pumunta ka sa malayo. Kung hindi mo pa ito magagawa, dalasan mo ang paglabas ng bahay. Ito ay para manariwa ang iyong lakas at ikaw ay suwertehin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-22-28-33-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page