top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 26, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 26, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 26, 2021 (Biyernes): May dahilan ang lahat ng nangyayari sa balat ng lupa. At ang dahilan kaya lalo kang pinatitibay ng kapalaran ay dahil malalaki ang iyong mga suwerte.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mong buo ang iyong loob at ipakikita sa iyo ng langit na ang mga taong buo ang loob ay aani ng sobrang malalaking suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-19-24-35-46.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong limitahan ang iyong kakayahan. Itodo mo ito at magugulat ka dahil nag-aabang sa landas ng iyong buhay ang nakamamanghang mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-21-25-33-40-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Tiwala lang sa sarili ang panlaban sa pag-aalinlangan. Balikan mo ang iyong nakaraan at makikita mong malalaking pagsubok ang iyong nalagpasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-28-33-39-43.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakayanig ang mga hamon ng iyong kapalaran. Pero dahil nakayanan mo ang mas mahihirap na iyong pinagdaaan, mayanig ka man, ikaw pa rin ang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-25-26-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kulang ka sa pagiging seryoso. Ito ang dahilan kaya bigla kang umaayaw sa magandang pagkakataong nasa iyong harapan. Magseryoso ka at malayo pa ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-22-28-37-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang reyalidad. Sa ganitong paraan, muling aabante ang buhay mo. Huwag kang tumulad sa iba na ang nakikita ay hindi naman katotohanan dahil dinadaya ang kanilang sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-21-39-42-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababawasan ang iyong saya dahil magsisimula mo nang makita na sa buhay ay kailangang tumutok sa pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-29-31-37-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ito gabay, ito ay magaganap na mapapalaban ka sa problemang akala mo ay hindi mo kaya, pero sa huli, ikaw ang magsasabi sa iyong sarili na kayang-kaya mo pala. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-19-20-25-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sino ang natakot, pero nang tumapang ay bumukas ang mga pintuan ng mga biyaya at pagpapala? Sino pa nga ba kundi ang nag-iisang ikaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-26-27-39-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo lang ang iyong mga plano at hindi ka mabibigo. Ngunit kung hindi ka susunod, ang kabiguan ay naghihintay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-28-33-37-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Siya na nasa hulihan ay tinawag sa unahan. Siya na may mga kakulangan at kapintasan ay pinagkakatiwalaan. Ang tinutukoy dito ay walang iba kundi ikaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-17-26-29-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Duwag ka at ito ang totoo. Pero puwede kang tumapang at ito ay iyong alam na alam. Kailangang maging matapang ka dahil ang nananatili sa kaduwagan ay mapag-iiwanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-17-27-28-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page