top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Horoscope | November 25, 2024 (Monday)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 25, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2024 (Lunes): Yayaman ka. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang. Ipanatag mo ang iyong kalooban sa harap ng mga pagsubok.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling lalakas ang mayaman mong imahinasyon. Iwasan mong gamitin ito sa pag-iisip ng mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-19-30-37-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmumula sa malayo ang suwerte mo. Kaya damihan mo pa ang iyong proyekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-21-25-38-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka inaawat sa mabibilis mong pagpapasya, ang payo lang naman ng iyong kapalaran ay dapat maging alerto ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-18-20-32.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka sa mga magagandang salita na nagsasabing mabilis kang magkakapera kahit na hindi ka mamuhunan ng pagod at pagsisikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-20-28-36-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalapit sa iyo ang suwerte sa sandaling namasyal ka. Kaya mas maganda kung aalis ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-27-35-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kalimutan ang mga problema, pero masayang balik-balikan ang mga nakaraang karanasang kung kailan ay lumigaya at nagtagumpay ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-18-21-25-33.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ng tao ang magagandang bagay na kanyang naririnig. Kaya makipagkuwentuhan ka sa mga taong alam mong may kabuluhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-15-22-28-34.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nabubuhay ang tao para sa kanyang sarili lang. Dahil kailangan niya rin ang mga kaibigan na aalalay sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-20-25-39-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Susuwertehin ka kapag may ginawa kang maliit na pagbabago. Ang pagbabago ay dapat nakatuon lang sa kung ano ang takbo ng panahon ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-24-27-35-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahihirapan ka sa pinagdaraanan mo ngayon pero sobrang kaligayahan ang mapapasaiyo dahil tiyak na ang mga kahirapan at problema ay malalampasan mo rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-20-28.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang namimilit sa iyo, wala naman siyang magagawa. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-14-18-22-35-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Ngayon ang takdang araw kung kailan ay nakatapat sa iyo ang tenga ng langit na naghihintay ng iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-25-34-42-45.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page