top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 25, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 25, 2023

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2023 (Sabado): Ginagarantiyahan ang iyong kaarawan na makukuha mo ang iyong pangarap. Kaya huwag kang susuko, mangarap ka at abutin mo ito!


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumating na muli ang araw na napakalakas ng iyong imahinasyon. Ang nagpayaman sa taong successful ay ang kanila mismong mga imahinasyon. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-9-15-21-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-isip ng negatibo upang hindi mo matakot ang iyong sarili. Magpokus ka sa mga positibong bagay upang bumilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-27-39-40-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Dadayain mo ang iyong sarili kung saan mapapaniwala mo ang iyong sarili sa mga bagay na hindi naman puwedeng mangyari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-23-28-34-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang lakas ng iyong karisma na nagsasabing tapos na ang iyong problemang pampinansyal kung gagamitin mo ang iyong malakas na karisma. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-25-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka sa mga bagay na nakamit mo na at ang mga pangarap na ‘di mo pa naaabot ay masaya mong hintayin dahil tiyak na darating din ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-19-22-28-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang madala sa magandang pananalita. Nagkalat ngayon ang mga mandaraya na parang ibon na mandarakit at naghahanap ng biktima. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-23-25-31-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Palakasin mo ang talas ng iyong pandama. May ilang magtatangka na paniwalain ka sa magagandang katangian na mayroon ka. Sa kanya ka mismo mag-ingat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-20-24-30-33-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paramihin mo ang hawak mo. Ibig sabihin, hindi mo kailangang mangutang. Muli, kung ano ang hawak mo, siya lang ang iyong paramihin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-24-27-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itakwil mo ang mga negatibong kaisipan na naglalabas-masok sa iyong isipan. Ito ang mga multo na kapag pinaniwalaan mo, magsisiatras ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-33-40-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalik minsan ang ibinato, may mga pagkakataon na ang ating mga itinapon ay muli ring magbabalik. Ang magbabalik ngayon ay talagang para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-8-17-22-26-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang hindi para sa iyo ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-16-22-25-28-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon kaya makipagsapalaran ka. Ito ang ginagawa ng taong pinagpapala. Muli, suwerte ka ngayon kaya makipagsapalaran ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-23-29-35-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page