top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 25, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2021 (Huwebes): Hihilahin ka ng iyong kapalaran paitaas. Ito ay tiyak na mararanasan mo kahit nag-aalinlangan ka sa iyong sarili kung ikaw ba ay karapat-dapat sa matataas na puwesto.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipaubaya mo sa takbo ng iyong kapalaran ang mga pagsubok na kinakaharap mo. Sa huli, masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-13-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-iba ka ng kulay tulad ng ilang insekto nang sa gayun, ang mga karibal mo ay malito at hindi ka makilala. Ibig sabihin, bigla mong baguhin ang mga nakaugalian mong pagkilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-12-15-25-26-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Gamitin mo ang iyong malikot na imahinasyon at magugulat ka dahil magbabalikan ang mga dating suki mo at magdadagsaan naman ang mga bago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-28-34-38-42-46.


CANCER (June 21-July 22) - Manindigan ka. Humahanga ang langit sa marunong manindigan kaya siya ay binibiyayaan ng malalaking kapalaran at inaalis naman sa mga taong walang paninindigan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-21-23-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Papalaki ang sariling mundo. Papayaman ka at ang mayayaman ay dumarami ang kaibigan. Pero mag-ingat ka sa malaking mundo dahil mas maraming ahas at hindi tunay na kaibigan ang bigla at lantarang tutuklaw sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-15-22-29-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palipat-lipat ang mga paru-paro sa mga bulaklak. Ganito rin ang mga suwerte, nagsisilipat sa mga handang ibahagi ang kanyang kabaitan sa kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-22-27-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo ang kulang at bawasan ang sobra. Ito ang tunay na susi sa maligayang buhay. Kaya suriin mo ang iyong buhay nang makita mo kung anu-ano ang gagawin mong pagbabago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-25-27-30-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mainit ang panahon ngayon, pero hindi puwede na hindi ka lalabas ng bahay. Sa iyong paglabas, may makikita kang mga ideya na puwedeng magpaunlad pa lalo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-22-25-27-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakikita ng mga mata ang kanyang sarili. Sa iba, madalas ay hindi niya nakikita ang kanyang sariling pagkakamali. Hindi dapat mangyari sa iyo ang ganito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-20-23-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumingala ka at makikita mo na may puwede ka pang abutin sa itaas. Ito ay nagsasabing hindi ka dapat makuntento kaya mangarap ka pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-15-20-24-25.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag mabigat na ang makapal na ulap, bumubuhos ang malakas na ulan. Hindi dapat maipon ang sama ng loob mo kaya ang payo, ibulalas mo ang ilan sa mga ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang panahon kung kailan magdaratingan ang mga suwerte mo. Ang payo para sa iyo, hindi ka dapat matulad sa marami na tinalo ng sobrang pagsasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-24-28-34-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page