top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 24, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2021 (Miyerkules): Magagandang kapalaran ang inilalaan sa iyo. Huwag mong hayaan na pumangit ito dahil sa bugso ng damdamin. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang iyong gusto. Ito ang sikreto ng katuparan ng lahat ng ambisyon at hangarin mo sa buhay. Umpisahan mo na ito ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-18-20-24-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalapit ka mismo ng langit sa taong bagay na bagay sa iyo dahil nakitang sobra kang naduduwag kung saan ang pagiging mahiyain mo ay nananaig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-9-14-25-30-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka ng maganda sa paningin. Wala namang masama sa ganu’n, ang totoo nga, mali ang mga nagsasabing huwag piliin ang maganda sa paningin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-6-21-28-33-45.


CANCER (June 21-July 22) - Napakalaking suwerte ang maaaring mapasaiyo. Ito ay mangyayari kapag hindi mo kinontra ang iyong sarili na nagsasabing, dapat kang lumaya sa mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-24-25-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sundin mo ang sinasabi ng iyong damdamin. Ang kaligayahan ay nagmumula sa damdamin at ang isip ay palakontra kaya ang tao ay hindi lumiligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-21-28-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit hindi ka gaanong marunong umawit, umawit ka pa rin, lalo na ng mga awiting pamasko. Ito ang mabisang panlaban sa malalim na kalungkutan. Gawin mo dahil ito ay kailangan mo, lalo na sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-20-25-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Hindi masasayang ang gagawin mong pagsisikap dahil ang mga ito ay magbubunga ng marami at matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-13-21-24-38-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtagal sa natapos na dahil marami ka pang kailangang tapusin. Madalas na nasasayang ang oras at araw ng tao dahil sa pagiging abala pa sa natapos na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-19-22-28-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Binibigyang-daan ng mga lumang dahon ang mga bagong usbong. Huwag mong ikalungkot ang mawawala, dapat nga ay matuwa ka sa bagong kabanata ng iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-21-25-26-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nababalewala ang mga suwerte kapag hindi pinahalagahan at sasayangin lang sa mga walang saysay na pagpasasaya at paglalakwatsa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-20-24-32-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakakita ang naghahanap at hindi naghahanap. Ikaw ay makikita ng naghahanap ng inspirasyon at makikita mo naman ang may dala ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-21-28-34-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka pa lalayo? Sa malayo, sobrang pagtitiis at sipag ang gagawin mo, ngunit kung dito mo lang gagawin, magiging maganda pa rin ang buhay mo. Nasa iyo pa rin ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-13-18-20-24.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page