top of page

Horoscope | November 23, 2023 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 23, 2023

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2023 (Huwebes): Bilis ang iyong sandata para sa iyong pagyaman. Sa katunayan, ang pagiging mabilis ang susi sa lahat ng iyong mga pangarap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pumili ka ng isa sa mga gusto mong gawin sa buhay. Isa-isa lang upang makita mo ang iyong sarili na nakahanay sa mga taong successful. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-29-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong balewalain ang nararamdaman mo. Komunsulta ka agad sa doktor. Mas magandang alam mo kung ano talaga ang iyong nararamdaman dahil sa susunod na buwan o taon, sobrang dami pang mga suwerte ang darating sa iyo na dapat mong ma-enjoy. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-6-12-27-33-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali dahil mas makabubuti para sa iyo ang maging mapagmasid. Ang pagiging maingat ang maglalayo sa iyo sa sakuna at pagkakaroon ng sakit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-18-26-31-40.

CANCER (June 21-July 22) - Manatili ka muna sa bahay. Ang mga aktibidad sa labas ng bahay ay ipagpaliban mo muna. Pakinggan mo ang mga babala na mapanganib sa kalusugan ang pananatili sa labas ng bahay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-7-17-29-33-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang magandang panahon para maglinis ng bahay. Ano pang hinihintay mo? Maglinis ka na ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-19-28-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manghiram ka ng ideya, ‘yung magandang ideya na mapapakinabangan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-23-34-41-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpapahinga sa bahay. Kapag na-recharge na ang iyong inner self, magugulat ka dahil malalaki at dambuhalang suwerte ang kusang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-21-24-27-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ka magplano para sa iyong kinabukasan. Iwasan mong mag-aksaya ng panahon sa kakaisip ng mga bagay na wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging maagap ka. Ang mga tao ngayon ay nagkukumahog sa pagbili ng mga kailangan para mabuhay at para sa Kapaskuhan, huwag kang papahuli sa kanila, mas maganda kung ikaw ang mangunguna. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-18-21-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumain ka ng masustansyang pagkain at iwasan mo ang pagkain na magpapahina sa iyong resistensya, natural na pagkain ang mas kailangan ng tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-26-29-34-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga taong walang ibang ginawa sa iyo kundi mainggit. Magugulat ka dahil sila ang unang dadapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-20-27-37-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama ang mangarap at magplano. Pero, ang masama kung hindi mo isasagawa at tutuparin ang iyong mga pangarap at plano sa buhay. May tutulong sa iyo, at ito ay ang langit, ngayon mo na gawin ang lahat ng mga plano at pangarap mo dahil ito ay tiyak ng matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-19-29-34-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page