top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 23, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 23, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2021 (Martes): Mabilis ka sa lahat ng bagay. Sa biglang tingin, ito ay isang kahinaan sa iyo dahil mabilis kang magbago ng pasya, pero bilis din ang magbibigay sa iyo ng masuwerteng kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka dahil sa pagiging marahan, makikita mo ang lahat ng anggulo sa bawat pangyayari at hamon ng kapalaran na iyong makakaharap. Ito ang mensahe ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-39-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakagugulat ang mga kaganapan dahil biglang magbabago ang iyong isipan na maaaring hindi matanggap agad ng kinauukulan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-20-24-28-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ay araw mo. Ang sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay masasaktan ang kalooban. Gayunman, ang sinumang umayon sa iyo ay makababahagi ng iyong suwerte at ligaya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-18-25-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Susunod ka sa kagustuhan ng ibang tao, pero hindi nila alam na iba ang nasa loob mo. Kaya sa huli, ang susundin mo ay ang iyong pinaniniwalaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-27-30-35-41-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang iyong gusto at mangyayari ito. Huwag kang kikilos na para kang nabigo dahil mabibigo ka talaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-22-27-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil muling magaganap na ang ayaw mo ang mapasasaiyo, pero laking gulat mo dahil ito ang suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-21-23-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibilis ang mga kaganapan. Parang kisap-mata, iba na ang iyong yakap-yakap at ito ang suwerteng hindi mo akalaing mapasasaiyo pala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-17-25-28-30-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sunod-sunod at mabilis ang pagdapo ng mga suwerte. Mamamangha ang mga taong walang tiwala sa iyo dahil hindi nila aakalain na mas gaganda ang kapalaran mo kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-29-30-38-40-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iiwanan mo nang milya-milya ang mga nagdeklara na ikaw ang kanilang karibal. Mapapahiya sila at ang mabuting gagawin na lang nila ay ang makiisa sa kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-24-26-45-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya ang pahalagahan mo at makikita mo na malalaking suwerte ang kapwa mapupunta sa inyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-29-30-31-36-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page