top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | November 22, 2023 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 22, 2023

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2023 (Miyerkules): Huwag mong pansinin ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang kumontra sa iyo. Tutukan mo ang iyong pangarap upang mapasakamay mo ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mong simple ang iyong buhay. Kung ano ang magaaan, iyon ang gawin mo. Ang mga bagay na matagal gawin ay balewalain mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-23-28-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nawawala at nalalaos ang lahat ng bagay. Kahit ang galit mo ay mawawala rin. Okey lang na magalit ka, pero huwag kang sosobra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-6-18-27-39-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mong maapektuhan sila sa pabagu-bagong patakaran. Sakyan mo lang nang sakyan ang mga pangyayari sa kapaligiran mo. Sa ganitong paraan, mas mapapabuti ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-23-33-39-44.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang sumali sa mga taong pabigat. Kung hindi man maganda ang sapitin nila, huwag mo pa rin silang tulungan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap abutin ang mataas, kaya itaas mo ang iyong pangarap, nang sa gayun ang mga taong nag-aakalang puwedeng sumabay sa iyo ay magsisuko. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-13-25-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aaliwin ka ng langit ngayon. Ang mga mumunting saya na mapapasaiyo ay magiging magandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-32-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang regalo sa iyo ng langit. Pag-aralan mo kung may magandang kita sa papasuking mong negosyo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-15-24-27-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na kapag ang isang tao ay nanatiling tahimik na ‘di nagsasalita sa loob ng ilang minuto, sa muling paggana ng kanyang utak, susi ng tagumpay ang una niyang maiisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-4-9-18-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang para sa iyo. Kahit na ito ay sobra, kunin mo pa rin ito at ikaw na ang bahalang mag-share sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-21-27-33-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag may dagdag kita, pasukin mo. Ito ang isabuhay mo upang maipatupad mo sa iyong sarili ang tunay na susi ng pagyaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-25-34-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong magsaya ang mga taong nasa paligid mo. Sa ganitong paraan, makakaramdam ka ng kaligayahan at kapayapaan sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-19-22-28-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ngayon ang panahon ng pagiging agresibo sa kabuhayan. Pero, ang nakakagulat malaki ang iaangat ng iyong yaman dahil sa kakaibang nadiskubre mong paraan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-17-26-28-35.





header.all-comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page