Horoscope | November 22, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2021 (Lunes): Ituloy mo lang ang iyong pangarap. Hindi ka puwedeng maligaw dahil sa pagiging emosyunal mo. Huwag mong kalilimutan na katuparan ng pangarap ang pinakamahalaga sa lahat.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Walang mabuting ibinubunga ang pakikipag-away at pakikipagtalo. Hindi naman mahalaga kung mananalo ka dahil ang importante ay tahimik kang nagsisikap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-17-20-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakapit sa hindi magandang pangyayari ang iyong mga suwerte. Huwag mong atrasan ang mabibigat na hamon ng kapalaran dahil sa hindi mo pag-atras, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-18-21-25-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag may nasilip kang pagkakataon, kahit ito ay maliit, gamitin mo para makuha ang iyong kagustuhan. Huwag mo itong sayangin dahil maaaring mawala rin ito agad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-17-29-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka maghahabol? Ikaw ang dapat habulin dahil ang mga suwerte ay nasa iyo na nagsasabing, mamalasin ang sinumang magpakita sa iyo ng hindi maganda ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-26-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang iyong sarili at dapat mong malaman na isang tukso rin na magpapahamak sa iyo ang biglaang pagbabago ng iyong paninindigan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-29-34-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mo ang mga taong negatibo na magtatangkang makialam sa pagdedesisyon mo. Para makaiwas, layuan mo sila at maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-23-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng mabihag ng nagkukunwaring malinis ang layunin. Siya ay lalapit sa iyo at pakikitaan ka ng maganda. Gamitin mo ngayon ang talas ng iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-27-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manindigan ka. Hinahangaan ang may paninidigan at binabalewala ang mga taong sunud-sunuran lang. Hindi ka sunud-sunuran, dapat ikaw ang sundin at pakinggan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-22-26-31-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakasalalay sa mga kamay mo ang magandang kapalaran ng maraming tao. Dahil dito, hindi ka puwedeng mabigo dahil marami rin ang mabibigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-19-29-35-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madali kang mainis ngayon, pero mabilis ding mawawala ang inis mo. Ikaw mismo ang makakapansin na may magagandang bagay na nagdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-22-25-27-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling magbabalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Hindi lang dahil malalagpasan mo ang mabibigat na pagsubok kundi dahil ikaw ay dadalawin ng malaking suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-24-26-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Hindi maganda na kung ano ang mahirap para sa iyo ay ‘yun pa ang gugustuhin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-9-17-19-21-26-33.




Comments