Horoscope | November 21, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2023 (Martes); Hahawak ka ng iba’t ibang posisyon na kung saan, ikaw mismo ang mag-uutos. Sa ganitong paraan ka isinilang kaya pagbutihin mo ang pamumuno.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilapit mo ang iyong sarili sa mga taong nasa ibaba. Sa ganitong paraan, mas mapapakinabangan mo sila at gaganda pa ang takbo ng iyong negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-27-33-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang nakakataas o mas may alam sa iyo upang marami kang matutunan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-24-28-33-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Mag-isip ka muna bago ka kumilos. May babala na kapag nagpadalus-dalos ka, mas marami at mas malaki ang mawawala sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-31-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansang umunlad ang iyong buhay. Mangyayari ito kapag lumakas ang iyong loob na makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-19-22-28-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Manguna ka, ipakita mo iyong pagiging agresibo. Walang bagay na hindi mo kaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-26-29-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simulan muna at huwag kang hihinto. Noon mo pa sinasabi na ang pangarap mo ay sisikapin mong makamit, ngayon na ang tamang panahon para sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-24-27-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin at layuan mo ang mga taong nagpapakita sa iyo ng interes dahil tiyak na mas lalo siyang gagawa ng paraan para makalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-25-29-31-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda nang papaganda ang iyong negosyo. Mas gaganda pa ito kung tututukan mo. Huwag kang tumulad sa iba na naging kampante sa kanilang negosyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-24-30-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon dahil noon pa nagpasya ang langit na ngayon ka papalarin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-15-27-39-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag maganda ang takbo ng iyong kapalaran, agad na magdaratingan ang mga pagpapala sa iyo. Ano pang hinintay mo? Ayusin mo na agad ang dapat mong ayusin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-29-33-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aangat ka. Ibig sabihin, tataas ang ranggo mo. Hindi ka magugulat dahil noon pa man pinagsisikapan at hinihintay mo na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-22-25-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalawin ka ngayon ng magagandang kapalaran kaya tiyak na mawawala ang lungkot na iyong dinadala. Ang payo sa iyo, paramihin mo pa ang mga biyayang napapasakamay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-20-29-31-44.




Comments