top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 21, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 21, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2021 (Linggo): Hindi ka mabibigo sa pagtutok mo sa iyong malalaking pangarap. Ang kabiguan mo ay magmumula sa kawalan mo ng ambisyon sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami kang gustong gawin, pero ituloy mo ang may kaugnayan sa iyong ambisyon. Kapag walang kinalaman sa iyong pangarap, masasayang lang ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-38-42-46.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka sa nakatataas. Hindi masama na humihingi ng tulong dahil ang masama ay ang hindi magpatulong kahit sa totoo lang ay hindi naman niya kaya ang kanyang gagawin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-18-21-28-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mo ang lapit nang lapit sa iyo na alam mong hindi bagay sa iyo. Ang ilagay mo sa iyong isip, ang palaging nagdidikit na dalawang bagay, sa huli ay nagsasama o nagsasanib. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-22-24-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Marami kang matututunan sa mga nagtagumpay na. Ang kailangan mo lang naman ay ang makipagkuwentuhan dahil sa ganitong paraan, nasasabi ang mga sikreto ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-14-27-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sa panahon ngayon, pataas ka nang pataas. Gayunman, ‘wag mong kalilimutan na ang mataas na hindi nakasayad ang mga paa sa lupa ay mahina at mas madaling bumabagsak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-18-33-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo ang nabuo mong plano. Ang pag-aalinlangan mo ay nangyari lang pagkatapos ng masusing pag-aayos sa iyong plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-19-29-30-32-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makisali sa mga walang kuwentang diskarte kung saan may masasaktan. Kapag umiwas ka sa gulo, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang bubuhos sa iyong pagkatao ngayong nalalapit ang Pasko. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-22-28-39-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balikan mo ang mga araw kung kailan nakakukuha ka ng kaalaman sa isang nilalang na mas malakas at nakahihigit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-24-25-28-33-40-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang mga magaganap sa iyong harapan dahil ang mananalo ay ang mahina laban sa malakas dahil sa labis na tiwala. Kumuha ka rito ng gintong aral sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-20-21-23-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaboran ka ngayon ng nakatataas at para mapatunayan mo ito, subukan mong humiling ng kahit na ano at makikita mo na ang lahat ng ito ay magkakatotoo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-16-29-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik sa alaala ang nakalimutan na. Mali ang sinasabi na kapag nakalimutan na ay limot na. Babalik sa iyo ang masasayang sandali sa piling ng taong iyong kinalimutan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-15-16-30-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumugod ka nang may positibong kaispan at hindi ka mabibigo. Pero kung susugod ka nang hindi buo ang iyong loob, masasaktan at mabibigo ka lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-26-27-33-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page