Horoscope | November 20, 2023 (Lunes)
- BULGAR
- Nov 20, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2023 (Lunes); Ipagpatuloy mo lang ang kabutihang loob na ipinapakita mo sa iyong kapwa. Kapag ganyan ang iyong ginawa, hindi ka mauubusan ng suwerte at mga biyayang mula sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo maiiwasang maawa sa mga taong madalas na dumadaya sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-24-27-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilos ang langit. Mawawala sa landas ng iyong buhay ang mga taong nagpapahirap sa iyo. Ibig sabihin, unti-unti na muling giginhawa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-22-26-29-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mo ang iyong kilos at pananalita. Hindi ka ngayon maaaring malamangan dahil noon pa man ay nababasa mo na ang pagkatao ng iyong nakakaharap. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-18-21-25-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ibig sabihin, ikaw ay susuwertehin. Sinupin, alagaan at pahalagahan mo ang mga magagandang kapalaran na napapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-19-22-29-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magiging magaan ang mga bagay kapag mayroon kang katuwang. Mas maganda na hindi ka gaanong mahirapan. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-25-28-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa ibabaw ng mundo. Dapat mong malaman na kumukupas rin ang lakas ng iyong mga kalaban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-22-26-31-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka maaawa sa iyong sarili? Itaas mo ang iyong ulo at salubungin mo ang mga naggagandahang bagong kapalaran na sa iyo ay nakalaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-24-27-33-42-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalakas ka ngayon. Pero, baka hindi mo rin ito magamit dahil isa kang maawaing tao na kahit kinakalaban ka na nila, nagagawa mo pa rin silang kaawaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-17-22-29-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang kumilos para sa iyong layunin. Hindi masamang kumilos lalo na’t kung ang mga taong nasa paligid mo ay walang ginawa kundi kumontra sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mainip, ang mga kahilingan mo sa langit ay magdadatingan na ngayon. Mas magandang ihanda mo ang iyong sarili at alisin ang mga ‘di magagandang gawi at ugali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-13-19-22-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit parang naging mahiyain ka? Mas nilalapitan ng mga suwerte ang mga taong masaya kausap at malakas ang loob na makipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-25-34-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang para sa iyo. Mas pinahahalagahan ng langit ang mga taong tapat at nagpapakatotoo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-17-19-29-34.



Comments