top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 20, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 20, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2021 (Sabado): Malakas ang iyong pandama, kaya gamitin mo ito sa pag-asenso sa negosyo at iba pang bagay na mag-aangat sa iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Wala kang dapat ikabahala kahit ikaw ay kinakabahan. Ang totoo nga, dapat ay magsaya ka dahil ang mga kaba mo ay nagsasabing may darating na mga suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-30-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin kahit nakadarama ka ng pag-aalinlangan sa iyong kakayahan. Maunawain ang langit, aalalayan ka nito hanggang ikaw ay magtagumpay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-16-23-29-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga gustong pumasok sa iyong buhay. Ito ay nang hindi na maulit ang naranasan mong nasira ang iyong diskarte dahil sa mahihinang nilalang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-33-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo na gawin ang mga gusto mong gawin sa nakaraan na hindi mo itinuloy dahil hindi maganda ang sitwasyon. Iisa lang ang kauuwian at ito ay hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-26-34-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang nagdadrama lang. May mga taong madrama na sagabal sa buhay ng isang tao na tulad mong gumaganda ang takbo ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-14-26-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maduduwag ka ngayon. Pero puwede kang tumapang at magkaroon ng sapat na lakas ng loob kung babalikan mo ang iyong tagumpay sa nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-16-26-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong masyadong ilapit ang iyong sarili sa nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Mas magandang suriin mo muna ang kanyang tunay na motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-30-31-40-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagtangkaang ibalik ang nakaraan. Kapag nagpumilit ka, muli kang makararanas ng hindi maganda. Minsan, pumapangit ang kapalaran ng taong makukulit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-17-20-21-24-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaan na talunin ka ng iyong emosyon. Isip ang iyong gamitin at pang-unawa ang iyong yakapin. Gayundin, pag-ibig ang iyong pairalin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-15-19-22-27-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Babala ang kailangan mo ngayon. Ang awa ay hindi pag-ibig. Marami ang nasiraan ng buhay dahil pinairal ang awa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-18-20-25-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipaglalaban mo ang iyong damdamin. Mananalo ka kaya? Oo, masusunod ang gusto mo, pero pansamantala lamang ito. Ikaw na rin mismo ang magbabago ng iyong pasya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-29-30-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Ang nadarama mo na tila mahihirapan ka ay nasa isip mo lang. Ang mahalaga ay magsimula ka at kapag kumilos ka na, siguradong tutulungan ka ng nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-21-28-39-40-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page