top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 2, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 2, 2023


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2023 (Huwebes): Likas ang pagiging mabait mo sa iyong kapwa, kaya tiyak na pagkakalooban ka ng suwerte at biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdagan mo ang iyong pasensya at lawakan mo pa ang iyong pang-unawa upang patuloy na mapasaiyo ang suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-24-33-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakapagod din naman ‘pag walang ginagawa. Kaya mas maganda kung maglinis ka ng bahay at makipagkuwentuhan sa iyong kaibigan na matagal mo nang hindi nadadalaw. Sa ganitong paraan, magugulat ka dahil may darating na magandang oportunidad para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-27-29-35-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit saan ka naroroon, puwede ka sumaya. Kaya bakit mo hahayaan na malunod ka sa kalungkutan? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-24-31-38-45.

CANCER (June 21-July 22) – Kilala mo na nang husto ang mga taong akala mo handang umalalay sa iyo, pero sa tuwing kailangan mo sila, hindi mo sila makausap. Kaya dapat ka nang matauhan sa iyong mga nakaraang pagkakamali. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-26-29-34-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mawawala sa bokabularyo mo ang salitang kabiguan kapag nakalabas ka. Ito ang mangyayari dahil madami ka nang naipon na magagandang pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-22-28-31-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umangal ka. Hindi maganda kung magkikimkim ka ng sama ng loob. Kung sa pag-angal gagaan ang iyong loob, gawin mo na agad ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-29-34-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ngayon mo maaakit ang maraming suwerte, basta’t sumunod ka lang sa dati mong kaibigan at kakilala na alam mong nagmamalasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-25-33-39-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo kung ano ang inaayawan mo ‘yun pa mismo ang lalapit sa iyo. Kaya naman ang dambuhalang suwerte ay bigla ring darating sa pinakamalungkot na sandali ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-22-32-38-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagod na ang lahat, at karamihan sa kanila ay mainit na ang ulo. Mag-ingat ka dahil baka mapabilang ka sa kanila. Panatilihin mo ang pagiging kalmado upang tuluy-tuloy na dumating sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-27-33-39-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag uminit ang iyong ulo mo, bumilang ka ng sampu at huminga nang malalim. Huwag mo itong kakalimutan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-8-17-29-33-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magugulat ka sa araw na ito dahil sunud-sunod na suwerte ang biglang darating para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-7-13-17-27-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Para sa mga taong ‘di reklamador, ang kulang ay oks lang para sa kanila. Samantala, ang mga taong nakaugalian ng magreklamo’t maghanap ng mali, ang sobra ay kulang pa rin sa kanila. Ito ang ‘wag na ‘wag mong uugaliin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-25-29-34-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page