Horoscope | November 2, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 2, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2021 (Martes): Hinahangaan ka ng langit dahil sa iyong kabaitan, kaya ang langit ay mananatili ring mabait sa iyo at pagkakalooban ka ng magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipadama mo ang pagmamahal sa nagmamahal sa iyo. Ang pagmamahal ay hindi dapat ipinagdadamot. Muli, ipadama mo ang iyong pagmamahal sa nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-23-28-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahalagahan mo ang iyong sarili, kumbaga, unahin mo ang para sa iyo nang hindi ka matulad sa iba na pinahalahagan ang ibang tao at sa huli ay nagsisi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-25-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong hadlangan ang iyong sarili na lumigaya. Huwag mo ring balewalain ang mga pagkakataong madama ang tunay na pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-17-22-27-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Pantay-pantay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, kaya huwag kang mamili. Ibig sabihin, hindi maganda sa tao na inuuri ang kapwa base sa kanyang kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-29-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nasa tabi mo lang ang iyong suwerte. May suwerte ka rin sa malayo pero sa kasukuyan, tulad ng nasabi na, nasa tabi mo lang ang suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-15-26-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka makakaiwas na sumali sa pamamasyal sa magagandang lugar. Dapat palagi kang nakahanda, lalo na sa aspetong pinansiyal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-9-14-21-27-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil kahit saan ka pumunta, may maaakit sa iyo. Kung gugustuhin, puwede mong pakinabangan ang magagayuma mo. Nasa iyo ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-30-33-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas ay nasa katahimikan ang kalungkutan. Kaya bakit mo nanaisin na manahimik? Magsaya ka nang may kasama at kahit na kakuwentuhan lamang. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-13-15-29-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit sa pagsasaya, puwede kang kumita. Ang totoo nga, malaki ang magiging pakinabang mo kung ngayon pa lang ay paghahandaan mo na ang mga kasayahang darating. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-20-22-24-25.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakawalan mo ang iyong sarili mula sa pagkakakulong sa lungkot. Hindi maganda para sa tao na nabubuhay sa kalungkutan, samantalang puwede naman siyang mabuhay sa kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-23-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpapadaya sa taong palaging nagyayaya sa iyo, dapat siya ang gumastos at hindi ikaw. Pero ang totoo, madalas ay ikaw ang nagyayaya at hindi ikaw ang gumagastos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-20-27-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madidiskubre mo ang isang pormula sa pagpapayaman habang nakikipagkuwentuhan ka sa nakaranas na malugi. Ang bawat kuwento ng kanyang kabiguan ay analisahin mong mabuti. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-24-26-32-38.




Comments