Horoscope | November 19, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2023 (Linggo); Huwag kang magsawang tumulong sa iyong kapwa dahil maski ang langit ‘di rin nagsasawang pagkalooban ka ng mga biyaya at pagpapala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - ‘Wag kang masyadong magpokus sa mga nakakapagod na gawain dahil kailangan mong mas maging malakas sa susunod na taon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-12-33-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na kung gagamitin mo ang taglay mong kagandahan, hindi lang sa pag-ibig at aspetong pangdamdamin ka susuwertehin. Bagkus, susuwertehin ka rin sa salapi at materyal na bagay. Kaya, magpaganda ka na ngayon! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-15-20-24-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Habang ikaw ay masaya, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating sa iyo. Kaya alam mo na ngayon kung ano ang dapat mong iwasan at ito ay walang iba kundi ang malungkot! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-19-27-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong damdamin. Ibig sabihin, sa halip na emosyon, kailangang isip at katalinuhan ang gamitin mo. Kapag nagawa mo ‘yan, magsisimula ng dumating ang suwerte at magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-25-34-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumabas ka ng bahay. Paglumabas ka, tiyak na may makakasalubong kang napakagandang oportunidad na maaari mong pagkaperahan. ‘Wag ka na umarte pa at sunggaban mo na ito! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-4-19-28-35-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kalimutan mo ang mga taong nanggugulo sa iyo, iniistorbo lang nila ang buhay mo. Ituon mo ang iyong damdamin at atensyon sa taong patay na patay sa iyo dahil hawak niya ang suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-14-23-28-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Mag-ingat ka dahil kapag nagkamali ka, tuluy-tuloy na malulugi ang buhay mo. Ru’n ka sa taong laging tumutulong at nagmamalasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-15-24-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang simpleng kailangan iyon lang ang iyong pagtiyagaan. Sa panahon ngayon, mas dapat mong ikonsidera ang pag-iipon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-27-31-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung kaya mo, ikaw na mismo ang gumawa. Hindi maganda kung lagi mong uutusan ang ibang tao. Susundin ka, pero lihim ka naman nilang sisiraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-23-28-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang iniisip mong negosyo. Ito ang tamang panahon upang magsimula ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-28-34-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - ‘Wag kang malungkot kung hindi mo pa nakukuha ang isang bagay na gustung-gusto mo. Magugulat ka dahil papalitan ng langit ang mga bagay na hindi mo pa nakukuha. At ang ipapalit niya ay tiyak na mas ikakatuwa mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-22-29-31-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag ibinigay sa iyo, sa ‘yo na! Kapag binawi, huwag mong isauli. Sa ganitong paraan mo matuturuan ang iyong kapwa na hindi maganda ang pabagu-bagong desisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-18-23-30-34.




Comments