top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 19, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 19, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2021 (Biyernes): Ibahagi mo ang mga suwerteng kaloob sa iyo ng langit. Sa ganitong paraan, lalo kang pagpapalain ng nasa itaas at lalo pang hahaba ang buhay mo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya at ligaya ang regalo sa iyo ng araw na ito at mga araw pang darating. Huwag na huwag kang masyadong malibang sa pagsasaya kung saan makakalimutan mo ang iyong mga obligasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-13-28-25-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang panahon para bigyang-pansin mo ang iyong sariling ligaya. Pansamantala mong ihinto ang pagsasakripisyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-28-35-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Suwerte ka ngayon, pero may kondisyon na hayaan mong malamangan ka. Sapagkat minsan, ang tao ay naiisahan ng kanyang mga kaibigan. Ngunit tandaan mong kung sino ang naiisahan, siya ang dinadatnan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-21-26-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon magkakakatotoo ang sinasabing mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap, kaya huwag kang magdamot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-14-20-23-40-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Muling ibinalik ng langit ang araw kung kailan ka mapalad. Ipinaalala rin nito na ang mga suwerte sa buhay ay minamahal, iniingatan at pinahahalagahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-22-28-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kalimutan mo na ang mga problema. Mahirap man, kailangan mo itong gawin dahil ang mga suwerte ay dadapo sa iyo sa mga sandaling payapa ang isip at kalooban mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-26-31-34-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili. Malaki ang posibilidad na ang nagpapasaya sa iyo ay mapapalapit sa puso mo, pero maaaring pagsisimulan ng magulong buhay pag-ibig. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-25-30-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka muna sa maraming tao. Pangkaraniwang babala ito para makaiwas sa usong sakit. Sundin mo ito dahil ang pagsunod sa mga babala ay mas nakabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-15-24-28-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ikagulat kapag ang mga tao sa paligid mo ay masasaya, samantalang ikaw ay abalang-abala sa mga gawaing hindi matapos-tapos. Simple lang naman ang rason, nadadama nilang susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-20-21-22.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makatatanggap ka ng regalo sa araw na ito. Ang masayang balita ay nagsasabing, ang matatanggap mo ay magsisilbing mabisa mong pampasuwerte, kaya ingatan mo ito. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-13-17-20-25-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, pero habang kumikilos ang mga lihim at lantad mong kaaway, ang mga suwerte sa buhay mo ay dadagsa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-24-33-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumarami ang mga bagong kaibigan mo. Ang ilan sa kanila ay wala kang mapakikinabangan, pero ang mas marami sa kanila ay magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-24-29-39-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page